CHAPTER 7: The Past part 6

26.6K 800 222
                                    

Continuation of flash back -- 1 year and 10 months ago.

"Kier, pasok ka kausapin ka daw ni mama," sambit ni Jana. Pumasok ako sa bahay nila at dinala niya ako sa living room nila.

"Dito ka lang muna ah, kukuha lang ako ng maraming tubig," sambit ni Jana at bigla siyang nawala.

Maraming tubig? Bakit kailangan ng maraming tubig? Siguro sasabonin ako at kailangan ko ng pang banlaw.

Naupo ako sa isang sofa na nakatalikod sa hagdan nila Jana.

"Ma ready na po siya!" Sigaw ni Jana pero 'di ko siya makita kahit saan.

"Sige pababa na ako!" Pasigaw na sagot ng Mama niya.

Dinig ko ang bawat hakbang ng Mama ni Jana pababa ng hagdan, at kada hakbang, tumutulo ang pawis ko sa mukha. Kinakabahan na ako sa mangyayari.

Papalapit ng papalapit ang mga hakbang hangang sa.

"So... ikaw pala si Kier de Leon?" tanong ng mama ni Jana.

"Ah opo. Goodmorning po," nahihiya kong bati ngunit nagawa kong ngumiti.

Nakasuot ng red dress ang mama ni Jana. Gusto kong matawa dahil para siyang nag mumurang kamatis sa suot niya. Parang hindi kasi bagay sa edad niya. Buti na lang napigilan ko.

Kaso sa tuwing titingin ako sa kanya, natatawa talaga ako sa loob loob ko. Diniinan ko ang pag sara sa aking mga labi para hindi tuluyang matawa. Tila sasabog na ang bibig ko at malapit na talaga akong matawa. Ilang saglit pa, naluluha na ang mga mata ko sa pag pigil ng pag tawa, kaso baka mapansin niya na. Lagot!

"Ako nga pala si Jizelle. Ako ang mama ni Jana. Sinabi niya sa akin na sinagot ka na daw niya. Tama ba?" Tanong ni tita Jizelle.

"Ah opo, kahapon lang po." Sagot ko. Tila nawala naman ang urge ko na tumawa.

Pero nang mapatingin ako ulit sa kanya... Nanumbalik ang urge ko at nagpigil akong tumawa. Ang kaso this time, napansin niya na.

"Anong nakakatawa Mr.de Leon?"

"Ah wala po tita.  May naalala lang po akong joke." Paliwanag ko nang natataranta.

"Joke pala ah! Alam mo bang hindi pwedeng mag ka boyfriend si Jana? Dahil lahat nang manliligaw niya kinain ko na!"

Humalakhak si tita Jizelle at nag iba ang itsura niya. Tinubuan siya ng mga pakpak ng paniki sa likod. Ang mga braso at kamay niya ay nagkaron ng kaliskis. Humaba din ang kanyang mga kuko sa paa at kamay. Nasira ang damit niya at unti unti siyang lumaki. Naging kulay pula si tita Jizelle at nagkaroon ng buntot. Ang ulo niya naging mala halimaw.

Hindi..

Hindi ito isang halimaw..

Si tita Jizelle ay isang Dragon!

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko dahil hindi ako makapaniwala sa aking nakikita.

Bumuka ang bibig ng dragon at nagbabadya itong mag buga ng apoy.

"Jana! M-Mukhang kailangan ko na 'yong tubig," pag tawag ko habang pawis na pawis at hindi makakilos.

Ilang saglit pa at binugahan niya na ako ng apoy.

"Jana!"

"Aaaaagggghhh!"

"Aagghh!"

"Aagh!"



Panaginip.

Buti nalang panaginip.

Nagising akong hingal na hingal at pinag papawisan. Time check; 2:37AM, tingin ko hindi pa 'ko nakakatulog. Pag nakakatulog ako saglit, napapanagipan ko 'yong mangyayari mamaya. Iba't ibang scenario pero laging nag ta-transform sa isang dragon si tita Jizelle, ang Mama ni Jana.

Until I'm Over You (Published under LIB)Where stories live. Discover now