Special Chapter: Taming Dragon Mommy

22.4K 441 155
                                    

Note: This chapter may contain scenes that is not suitable for very young readers. Parental Guidance is advised.  (Unedited)

Na-miss ko lang talaga si Kier at Valerie. I was day dreaming and this scenes come up. Enjoy. ;)

Valerie's point of view

Anim na taon na ang nakakalipas simula ng mag kaanak kami ni Kier.

Matapos ang mahabang araw na pag aalaga sa pamilya ko. Kay sarap naman talagang mahiga sa napaka lambot naming kama.

Siyempre hindi muna ako matutulog. Hihintayin ko munang tumabi sa akin ang pogi ko'ng asawa.

Ang tagal naman ni Kier. Ang tagal na naman sigurong matulog ng kambal namin. Sa sobrang busy niya sa trabaho, ngayon nalang sana kami makakapag solo. Lagi kasi siyang pagod pag umuuwi, sobrang in demand niya na kasi ngayon. Siyempre doble kayod kasi dalawa na anak namin at ayaw niya din ako mag trabaho.

Gusto ko man mag patuloy pero tumigil na din ako sa showbiz. Kaylangan ako ng family ko kaya sapat na sa akin na maranasan ang isa sa mga pangarap ko at ngayon dinaranas ko ang pinaka masayang yugto ng buhay ko.

Ilang saglit pa ay narinig kong papasok na si Kier sa kwarto namin. Humarap ako sa kabilang side para likod ko muna ang makita niya. Siyempre pabebe muna. Kunwari tulog na ako.

Narinig kong pumasok na siya ng kwarto at tumabi sa akin sa kama.

Niyakap niya ako mula sa likod at hinalikan niya ang balikat ko. Bahagya niyang binaba ang strap ng night dress ko sa balikat at inamoy amoy ito.

"Hmm ang bango mo talaga...  Baby... Tulog na mga bata." Sambit ni Kier ng may mapang akit niyang boses.

Muli niyang hinalik halikan ang balikat ko.

"Bakit ang tagal mo?" Tanong ko.  Kunwari tampo.

"Mukhang sabik na sabik sa akin ang misis ko ah. Naligo pa kasi ako baby. Para mabango ako sayo. Tagal din nating hindi nagawa ito eh."

Hinawi niya ang buhok ko at hinalikan ang batok papunta sa leeg ko. Napahawak naman ako sa ulo niya.

Napaungol ako sa ginawa niya. "Oh Kier... I miss you so much."

Humarap ako sa kanya at nagyakapan kami. Ang bango bango niya at ang sarap talagang hawakan ng mga biceps niya.

Nag dikit ang ilong namin at bumibilis ang aming pag hinga. Tila inaabangan namin kung sino ang unang hahalik. Hinihimas himas niya ang likod ko at sa bawat haplos niya ay nakikiliti ako.

Hinalikan niya ako at napahawak ako sa kanyang ulo. Lalo naming idinikit ang mga katawan namin sa isa't isa. Damang dama ko ang init ng katawan niya.

Hinawakan niya ang legs ko at hinimas himas ito. Patuloy pa din ang aming halikan. Ilang saglit pa ay tuluyan niyang ibinaba ang night dress ko.

Hinaplos ko ang kanyang braso papunta sa kanyang tiyan at papunta sa kanyang...

"Daddy!!"

Nahinto kami sa aming ginagawa ng marinig namin si Janna at si Janno na tinatawag si Kier. Agad kong inayos ang aking damit at agad namang tumayo si Kier.

Kumakalampag sa labas ng kwarto ang pag takbo ng kambal namin at kinatok nila kami ng malakas.

Agad namang binuksan ni Kier ang pinto at kumaripas ng takbo papunta sa akin ang kambal ko.

"Mommy may monster sa room namin!" Sambit ni Janna na takot na takot.

"I saw it Mom! It was big and black like shadows!" Sambit naman ni Janno.

Until I'm Over You (Published under LIB)Where stories live. Discover now