CHAPTER 13: From Dragon to an Idol

21K 679 167
                                    


"Ano po ang tungkol kay Jana?" Tanong ko kay tita Jizelle sa telepono habang nakakunot noo.

Kinakabahan ako, ano kaya ang ibig sabihin ni tita Jizelle?

"Kasi Kier..." 

"Ma si Kier ba yan?" Narinig kong tinawag ni Jana si Tita Jizelle kaya't naputol ang sasabihin niya sa akin.

Tapos biglang naputol ang linya at hindi na tumawag ulit si tita.  Nag aalala ako. Ano kaya ang gustong sabihin ni tita?

Agad akong nag send ng message kay Jana para malaman kung ano man 'yon.

Me: My love, ano 'yong sasabihin sana sa akin ni tita?

Hindi nag reply si Jana kaya't kinulit ko pa siya.

Me: Jana?

Me: Please reply.

Hindi talaga nag reply si Jana. Natataranta na ako. Anong dapat kong malaman?

Kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko.  Nakakainis talaga. Bakit wala siyang sagot sa mga message ko?

Muli ko siyang sinubukang i-message.

Me: Jana tawag ka naman oh.
Me: My love, please.

Pagkatapos ng ilang minutong pag hihintay. Biglang tumawag si Jana at agad ko namang sinagot. Sa wakas!

"Hello Kier, sorry ngayon lang. Huwag mo intindihin si Mama nagbibiro lang 'yon," sambit ni Jana sa phone.

"Eh bakit hindi mo ko agad tinawagan?" Tanong ko.

"Sorry nag usap pa kasi kami ni Mama. Mag aral ka na my love. Malapit na exam 'di ba?"

Sa puntong ito alam kong meron talagang gustong sabihin si tita Jizelle, pero ano kaya 'yon?

"Oo malapit na pero bukas na ko mag aaral, wala naman akong pasok eh. Pero ano ba 'yong gustong sabihin ni tita?"

"Huwag mo na ngang intindihin 'yon. Sige na. Matulog ka na, para bukas marami kang lakas," pilit ni Jana.

"Hindi naman kasi mag sasabi ng gano'n si tita kung wala talaga siyang gustong sabihin e. Ano nga 'yon?" Giit ko, dahil gusto ko talagang malaman. Ayaw kong mag isip ng kahit anong bagay, dapat malaman ko mismo sa kanya.

"Okay sige. Uhmm..." sambit ni Jana. "Ano... Uhmm... Baka maka-uwi kami diyan for vacation after ng BAR exam mo."

Kung kanina kinakabahan ako, ngayon natuwa ako sa sinabi niya, "Wow! Talaga? Yes! Thank you my love. Mas lalo akong ginanahan mag aral."

"Sige na Kier. Marami pa kong gagawin. Baka makatulog na rin ako pag katapos ko. Goodnight. I love you," sambit ni Jana. Base sa tono ng boses niya mukhang pagod na nga siya.

Kaya't kahit gusto ko pa siyang kausap, tinapos ko na ang tawag, "Sige my love. Goodnight and I love you. See you soon."

Pagkatapos naming mag usap, hindi ko alam kung bakit pero parang biglang bumigat ang pakiramdam ko.  Biglang pumasok sa isip ko na parang may tinatago pa rin si Jana. Parang hindi ang pag uwi nila ang gustong sabihin ni Tita.

Naisip kong mag send ng message kay Tita, pero baka masamain ito ni Jana at isipin niyang wala akong tiwala sa kanya.

Napabuntong hininga na lang ako. I guess I have to trust her, sambit ko sa sarili ko.  Ganito pala ang LDR (Long Distance Relationship), mas kailangan mong sundin ang puso mo kaysa ang isip mo.

Bago ako natulog naisip kong mag padala ulit ng message kay Jana.

Me: Goodnight my love. I will always be in your heart.

Until I'm Over You (Published under LIB)Where stories live. Discover now