CHAPTER 27: Jana's Journal part 3

16.4K 536 158
                                    


(Jana’s journal translated to Jana’s point of view seven months ago)

“Mom!”

“Mom! Please!”

“Mama!”

Sumisigaw ako pero bakit parang ang hina sa pandinig ko? Lumalabo din ang paningin ko. Naiiyak na ko. Ano’ng nangyayari sa akin?

Sumabay pa ang sakit ng ulo ko.

Wala akong nagawa kung hindi ang umiyak. Ilang saglit pa, pumasok si Mama sa kwarto ko.

May sinasabi siya ngunit hindi ko marinig. Tingin ko tinatanong niya sa akin kung ano ang nangyayari.

Isinigaw ko kay Mama kung ano ang nararamdaman ko. Atleast sa pamamagitan nu'n kahit kaonti ay naririnig ko naman.

“Mom I can’t hear! Ang labo ng paningin ko! Sobrang sakit ng ulo ko!”

Umiyak ako ng umiyak. Hindi na ako mapakali sa mga nangyayari. Oh God what's going on to me?

Niyakap ako ni Mama at tinakpan niya ang mga mata ko para ipikit ang mga ito.

Hinilot hilot niya rin ang ulo ko. Noong una hindi ako mapakali, ngunit dahil sa pag-alaga ni Mama unti unti akong huminahon. Ilang saglit pa ay nakatulog ako.

Pag gising ko matapos ang limang oras, okay na ang paningin ko. Nakabantay lang si Mama sa akin at mukhang hindi siya umalis sa tabi ko.

“Jana anak, kamusta na? Nakakarinig ka na ba? Nakikita mo na ba ako ng maayos? Masakit pa ba ang ulo mo?” Alalang alala sa akin si Mama.

“Medyo nahihilo pa ako Mama. Pero naririnig at nakikita na kita,” sagot ko habang sinasapo ko ang magkabilang gilid ng noo ko.

“Diyos ko, anak! Ano bang nangyayari sa'yo?" Hindi ko nasagot ang tanong ni Mama dahil hindi ko rin alam ang nangyayari. Natatakot ako. Paano kung malala itong sakit?

Hindi napigilan ni Mama na maiyak. “Mabuti pa mag pa-check up ka. Tatawagan ko si Kier para masamahan tayo.”

Kukunin na sana ni Mama ang phone niya nang bigla  ko siyang maisipang pigilan, “Ma huwag na si Kier!”

“Huh? Bakit naman kailangan niyang malaman ito, anak. Nagaalala na ako sa'yo.” Magkahalong pagtataka at pagaalala ang naging sagot ni Mama.

Gusto ko talagang makasama si Kier lalo na ngayong natataranta ako pero ayaw ko namang makagulo sa pag-aaral niya, “Mom please! Ayaw ko malaman ito ni Kier, maapektuhan po ‘yong pag-aaral niya.”

Napabuntong hininga si Mama at hinimas ang likod ko. “Since when that you have been experiencing that, anak?”

“Matagal na po na madalas sumasakit ang ulo ko, mag iisang taon na. Hindi ko lang po sinasabi kasi nawawala naman po, Mama. May mga oras din po na mahina ang pandinig ko at lumalabo ang paningin ko, pero saglit lang kaya hindi ko po binigyan ng pansin. Kanina lang po na sobrang grabe ‘yong naramdaman ko.”

“Anak naman! Bakit hindi mo sinabi agad? Paano kung siryoso pala ‘yan?”

Hindi ako nakasagot sa tanong ni Mama. Kung noong una pinagpapasawalang bahala ko, ngayon nangangamba na ako.

“Si Uncle na lang po ang tawagan mo para samahan tayo sa hospital,” sambit ko.

Tinawagan ni Mama si Uncle Harvey para samahan kami sa hospital.

Dumating naman si Uncle matapos ang ilang minuto at ipinag-drive niya kami papunta sa malapit na hospital.

Tinanong ako ng doctor kung ano ang mga nararamdaman ko. Ipinaliwanag ko ang madalas na pagsakit ng ulo ko, paglabo ng paningin, paghina ng pandinig, sinabi ko din na naging makakalimutin ako, at minsan ay nawawalan ako ng balance. Sinuring maigi ng doctor kung ano ang possibleng dahilan ng mga nararamdaman ko. Dumaan ako sa maraming test para matukoy ito. Nagsagawa rin sila ng CT scan at kung ano anong mga test.

Until I'm Over You (Published under LIB)Where stories live. Discover now