CHAPTER 25: Jana's Journal part 1

16K 493 35
                                    

Naguguluhan at kinakabahan. Ang puso ko ay tila malakas at mabagal ang pagtibok. Ano itong sulat na ito, at bakit nandito si Tita Jizelle? 

"Kier I'm sorry. Tungkol ito kay Jana," marahang sambit  ni Tita Jizelle at hindi niya napigilang umiyak.

"T-Tita bakit po? A-Ano po'ng tungkol kay Jana?"

Sa puntong ito hindi ko na alam ang iisipin ko. Ano nga ba talaga ang laman ng kahon na ito at ano ang sulat na ito?

"Kier, wala akong tapang na sabihin sa'yo ang lahat ng nangyari, mabuti pa... m-mabuti pa at buksan mo na ang kahon," patuloy pa rin sa pag iyak si Tita Jizelle, habang ako ay parang nawawalan ng hangin sa paligid.

Binuksan ko ang kahon at ito ay naglalaman ng isang notebook na kulay puti, ang paboritong kulay ni Jana.

"Hiling ni Jana na basahin mo ang nilalaman ng notebook, pagkatapos ay ang sulat na ginawa niya para sa'yo," paliwanag ni Tita Jizelle habang nagpupunas ng luhang tila hindi nauubos sa kanyang mga mata.

Hindi ko nagawang mag salita dahil gulong gulo na ang isip ko. Minabuti ko na lang na buksan ang notebook at basahin ito...

My love,

Kung mayroon mang pinaka unforgettable moment sa buhay ko, ito ay 'yung araw na nakilala kita. Pero mayroong araw na gusto kong tawagin na hinding hindi ko makakalimutan kahit mukhang unti unti ko nang nakakalimutan ang lahat. Naaalala mo pa ba ang 1st anniversary natin? Unang beses sa buhay ko na naramdaman ang maging isang prinsesa at 'yon ay dahil sa'yo...

(Jana's short journal translated to Jana's Point of View 1 year ago)

Naiinis na ko! Nasaan ba ang lalaking ito? Alam naman niyang magkikita kami dito sa park. Tama ba'ng isang oras niya na akong pinaghihintay?

Agad kong tinext ang soon to be abogado kong boyfriend.

Me: Kier nasaan ka na? Kanina pa ako nandito sa park. Hindi ba may usapan tayo? Galit na ko.

Kier: Huh? Anong usapan? Wala naman my loves. Bukas pa 'yon 'di ba? Kakagising ko lang.

Me: Anong bukas? Ngayon 'yon! Come here at once!

Kier: Yes Ma'am!

Me: Bilisan mo!

Kier: Hahaha, kakatapos lang natin mag kita kahapon, miss mo na ako agad.

Me: Luh, hindi kaya. Bilisan mo na.

Kier: Pabebe pa oh. Sige na lalabas na ko ng apartment. Miss na rin kita. Hehe.

Naiinis na naman ako. Kanina pa pala ako naghinhintay sa isang tulog na tao? Kainis talaga! Lagot talaga siya sa akin pag dating niya.

Ilang saglit pa ay dumating na si Kier dito sa park.

"My love, sorry natagalan. Bukas pa kasi talaga 'yong lakad natin e. Bakit mo nakalimutan?" 

Hindi ko siya pinapansin, galit talaga ako. Ayoko rin siyang tignan, baka bumigay kasi ako agad sa maamo niyang mukha eh. Kainis! Bakit ba ang gwapo ng boyfriend ko?

Tumabi siya sa kina-uupoan ko, sa kaliwa ko at inakbayan niya ko, ang isa kaliwa niyang kamay kamay ay hinahawakan ang braso ko. Nakaharap siya sa akin at nakatingin naman ako sa kabilang direksyon.

"My love naman. Sorry na o. Bukas pa talaga 'yong lakad natin. Tignan mo itong phone ko." 

Humarap ako sa kanya at tinignan ang phone niya. Nagulat ako, how could I forgot na bukas pa nga talaga 'yong lakad namin para pagplanuhan ang aming 1st anniversary?

Until I'm Over You (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon