CHAPTER 19: Valerie's Past part 4

16.3K 525 88
                                    


(Valerie's POV, Still at two years ago flash back)

Ready na si Shane, ready na ako at pati na rin ang mga kabanda namin. Naunang lumabas ng backstage ang mga kabanda namin. Nag setup ng mga music instruments nila, at nag sound check. Sila na din ang nag check ng mga microphones namin. Nang sumenyas sila na okay na, agad kaming umakyat ni Shane sa stage.

Agad na hinawakan ni Shane ang mikropono at itinapat ito sa kanyang bibig, "Good evening everyone! My name is Shane..." Tapos ay tumingin siya sa akin na nagets ko naman agad na dapat ako naman ang mag pakilala.

"And I'm Valerie!"

Ngumiti si Shane at muling humarap sa audience, "Together with the SZDiary band let us give you your best valentine song ever!"

Nag palakpakan naman ang mga manonood, at nag simula nang tumugtog ang mga kabanda namin.

(Now Playing : Dati by Sam Concepcion ft. Tippy)

Ohh oohh yeah...

Shane:
Dati rati sabay pa nating pinangarap ang lahat
Umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat
Naaalala ko pa noon nag-aagawan ng Nintendo
Kay sarap namang mabalikan ang ating kuwento

Valerie:
Lagi-lagi ka sa amin dumidiretso pag-uwi
Maglalaro ng tao taong piso-pisong nabili
Umaawit ng theme song na sabay kinabisa
Kay sarap namang mabalikan ang alaala

Both:
Ikaw ang kasama buhat noon
Ikaw ang pangarap hanggang ngayon (hanggang ngayon), ooohh oh oh

Shane:
Diba't ikaw nga yung reyna at ako ang 'yong hari

Valerie:
Ako yung prinsesang sagip mo palagi

Both:
Ngunit ngayo'y marami na ang nabago't nangyari
Ngunit 'di ang pagtingin na gaya pa rin ng
da-ra-ra-rat-da dati

da-ra-ra-rat-da dati

da-ra-ra-rat-da dati

Na gaya pa rin ng dati..

Pagkatapos ng aming song and dance number. Binigyan kami ng mga tao ng masigabong palakpakan, at hiyawan. Mukhang sobrang nagustuhan nila ang ginawa namin nila Shane.

Agad kaming pumunta nila Shane at ng mga kabanda namin sa backstage.

"We nailed it! Ang galing mo Valerie!" Bati ni Rex sa akin at nag high five kami.

"Val nalang or Valeng. Ang galing niyo guys, buti na lang kayo ang naging ka banda namin," sagot ko kay Rex.

Bumaling naman ako kay Shane at nginitian ko siya, "Shane ang galing mo kanina! For sure mapapansin ka ng mga managers."

"Talaga? Thanks, Val! It's all because of your teachings," sagot ni Shane sa akin.

Pabiro ko naman siyang sinuntok sa balikat, "Huwag nga ako. Ikaw kaya diyan ang mentor ko."

Ngumiti naman si Shane at bigla niya akong niyakap. Nagulat ako at nanlaki ang mga mata ko pero niyakap ko rin siya.

"Ehem! Ehem!" Pag singit ni Karlo na tila inaasar kami, kaya agad na bumitaw si Shane sa pag kakayakap niya sa akin.

Nag kahiyaan kami ni Shane na 'di makatingin sa isa't isa at tinawanan naman kami nila Rex.

Lumapit sa amin ni Shane si Karlo at sabay niya kaming inakbayan, "Guys mabuti pa i-celebrate natin ito."

Until I'm Over You (Published under LIB)Where stories live. Discover now