CHAPTER 8: The New Taxi Driver

29.2K 745 325
                                    

PRESENT TIME

"Congratulations anak! Ang galing galing talaga ng anak ko," pagbati ni Mama sabay yakap sa akin nang mahigpit.

"Sabi ko na magiging abogado talaga itong anak kong 'to. Manang mana ka sa akin," sambit naman ni Papa sabay yakap din sa akin.

"Salamat po, Ma at Pa. Utang ko itong lahat sa inyo. Makakaasa po kayong susuklian ko ang suporta na binigay niyo sa akin. Hindi ako makaka pag aral at makakapasa kung hindi kayo ang mga magulang ko," sagot ko at bahagya akong naiyak.

"Huwag mo na kaming intindihin anak. Matagal ko nang napag handaan ang retirement namin ng Mama mo at hindi mo kami responsibilidad. Mag focus ka sa pagiging abogado mo. Mahalin mo ang trabaho mo at gawin mo ang tama. Masaya na kaming napatapos ka namin ng pag aaral," sambit ni Papa.

"Ma, Pa!" Sabay yakap kong muli sa kanila. "Ang swerte ko po at kayo ang mga magulang ko."

Finally pasado ako sa BAR Exam, at isa na akong lawyer.

Attorney Kier de Leon

Ang sarap pakinggan, ang sarap sa pakiramdam na nag bunga lahat ng pagsisikap ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Ang sarap pakinggan, ang sarap sa pakiramdam na nag bunga lahat ng pagsisikap ko. Salamat sa mga magulang ko na laging nandiyan, at kay Jana na naging inspirasyon ko sa pag aaral.

"Tara na po, naghanda po sila Jana ng pag sasalo para sa araw na ito," pag anyaya ko kila Mama at Papa.

"Mabuti pa nga anak. Matagal ko nang gustong makilala si Jana," sambit ni Mama.

Sumakay kami sa kotse ni Papa at dumiretso kila Jana.

Ang tahimik ng bahay nila Jana. Akala ko sabi niya pupunta lahat ng kaibigan namin. Pumasok kami sa gate ng bahay nila Jana at pag bukas ko ng pinto...

"SURPRISE!"

"CONGRATULATIONS KIER!"

Nagulat ako sa sumalubong sa akin. Kaya pala ang tahimik ng bahay nila Jana dahil nasa loob sila at sinurpresa nila ako.

Abot tainga ang ngiti ko dahil sa ginawa nila, "Hey Guys! This is so sweet. Salamat sa inyong lahat."

Kumpleto kaming lahat. Nandito si Pogi, Si Aling Evang, 'yong mga classmates and band mates ko noong high school nandito rin, si Sir Charlie, si Kuya Gilbert, at ibang mga kaibigan at kamag anak namin ni Jana.

Siyempre hindi kumpleto pag wala ang aking one and only love. Ang aking dyosa. Ang pinakamagandang mukha na aking nakita. Ang babaeng matalino pero sintunado. Ang pinaka grand prize ko sa araw na ito.

Si Jana.

"My love! Congratulations! Attorney Kier de Leon ka na. Ang galing galing naman talaga oh," bati ni Jana sa akin. Niyakap niya ako at binigyan ng kiss.

"Inspired ako sa'yo e," sagot ko naman.

Nandito rin syempre si Tita Jizelle, "Kier hijo, congratulations!"

Until I'm Over You (Published under LIB)Where stories live. Discover now