CHAPTER 41: Good Times

14.2K 458 166
                                    

What the hell? Anong problema nito ni Valerie at kailangan niyang tanungin kung kaninong soup ang mas masarap? Nagseselos ba siya kay Alleiea? Hmm... Mukhang pagkakataon ko na para bawian itong Dragon na 'to. Asarin ko nga...

Muli akong humigop ng mainit na sabaw mula sa chicken soup ni Alleiea at pinakita ko kay Valerie na sarap na sarap ako. "Hmm yummy! Ang sarap nito. Thank you talaga dito, Alleiea."

Ngumisi ako at tumingin kay Valerie na sobrang sama na ng tingin sa akin. Naka-cross arms siya at parang uusok na sa galit. Nakakatawa siyang tignan.

Ilang saglit pa, bigla siyang tumayo. "Shane, halika na! Uuwi na ako."

Lumabas siya ng pinto nang hindi man lang nagpapaalam sa akin. Sumunod din si Shane sa kanya pero nagawa naman niyang magpaalam sa amin ni Alleiea. Asar talo talaga ang dragon. Teka tama ba 'yong ginawa ko? After all she did for me... Damn! I messed up again. Babawi na lang ako pag galing ko. Kailangan ko na rin naman siyang pagpahingahin e.

"S-Sir Kier, baka po nagalit sa akin si Ms. Valerie? Hindi ko po kasi alam na gumawa pala siya ng soup. Hindi na po sana ako nagluto," nagaalalang sambit ni Alleiea.

Umiling naman ako at muling humigop ng kaonting sabaw. "H'wag mo intindihin 'yon. Ganito lang talaga kami mag-asaran. Tsaka buti nga nag dala ka . Medyo out of this world 'yong lasa ng soup ni Valeng e. Salamat ulit dito a."

Bahagyang yumuko naman si Alleia at nakita ko'ng namula ang mga pisngi niya habang palihim na nakangiti. Hangang ngayon nahihiya pa rin siya sa akin. Bakit kaya?

"Alleiea, huwag mo rin intindihan 'yong sinabi ni Shane a. Tingin ko naman kaya ko na. Ayoko din mapagod ka sa akin na mag alaga, buntis ka pa naman."

Umiling iling si Alleiea habang nakatingin sa akin, "Okay lang, sir Kier. Gusto ko rin naman po na alagaan kayo." 

Nagulat ako sa sinabi niya at bahagyang napabukas ang bibig ko.

"I-I mean, gusto ko na rin po kasi kayo makabalik sa opisina. Para makapag simula na ulit tayong tumulong sa mga nangangailangan," natataranta niyang sambit.

Nginitian ko siya, "Iyon lang ba? O baka naman miss mo na ako sa opisina?" Umiwas naman siya ng tingin kaya binawi ko agad, "biro lang, Alleiea." Tingin ko crush ako nitong secretary ko e. Nakakatuwa siya. Minsan para siyang si Jana na pabebe tapos minsan naman para siyang si Valerie na sobrang lively.

For five days si Alleiea ang tumulong sa akin dito sa bahay. Maasikaso siya at maalaga. Higit sa lahat masarap mag luto. Pinapahatid ko siya sa cab tuwing hapon para umuwi. Ayoko namang gabihin siya dito kaya hapon palang pinapauwi ko na siya. After five days, nakakatayo na ako kahit medyo ika-ika pa ang lakad kaya pinagbakasyon ko na muna siya at nangakong babalik na ako ng opisina next week.

Bigla ko'ng naalala habang nasa bahay kasama ang aso ko, hindi ko pa pala nai-te-text si Valerie. Lagot baka galit na naman sa'kin 'yon. Bigla namang tumunog ang doorbell ng bahay ko, at pagbukas ko ng gate, tumambad sa akin si Valerie. Speaking of the dragon.

Nginitian ko siya pero hindi siya ngumiti pabalik. Pinapasok ko siya sa bahay at pagsara ko ng pinto bigla niya kong sinuntok sa braso.

"Aray! Bakit?!"

"Para 'yan sa soup ko na hindi mo na-appreciate! At heto pa!" Pinalo niya naman ako ng kamao sa dibdib na agad ko namang sinalag ng braso. "Para sa pagpili mo kay Alleiea na mag alaga sa'yo kaysa sa'kin!"

What the?! Is she jealous or something?

"Huh? Ano'ng sinasabi mo? I just thought na pagod ka na kasi kaya sinunod ko 'yong suggestion ni Shane," takot kong paliwanag.

Until I'm Over You (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon