CHAPTER 29: Losing Hope

16.9K 554 108
                                    


It's been six months since you were gone.

I don't even have a reason now to continue.

My love, I'm sorry but I don't want to move on.

I don't wanna go another day without you.

Tell me what must I do?

Tell me how am I supposed to live without you?

Napakasakit isipin at tanggapin na wala ka na.

Mas masakit dahil 'di ko natanggap na wala ako sa tabi mo noong naghihirap ka.

Mag kasama sana nating nilabanan ang lahat.

Siguro ngayon buhay ka pa.

Naiinis ako.

Galit ako.

Galit ako sa sarili ko.

How could I be so blind not to see or feel that you were suffering?

I am sorry my love.

I couldn't save you.



Nag-offer si Mama at Papa na samahan ako sa apartment hangang sa ako ay maka-move on sa pagkawala ni Jana, ngunit tumanggi ako.

Alam kong sa mga oras na ito kailangan ko sila, pero mas gusto ko'ng mapag-isa. Mas gusto ko'ng alalahanin lang ang lahat ng pinagsamahan namin Jana. Ayokong dumating ang araw na siya ay kalimutan.

Madalas akong tine-text or chat ng mga kaibigan ko lalo na si Valerie. Nag re-reply naman ako na ayos lang ako pero kapag nag-aalok na silang makipagkita, tumatanggi ako.

Alam kong mali, at alam kong magagalit si Jana sa ginagawa ko. Pero anong magagawa ko kung sa pagkawala niya ay parang nawalan na rin ng saysay ang buhay ko?

Tuwing umaga ay dumadaan ako sa Flower Shop ni Aling Evang para bumili ng puting rosas.

"Goodmorning Kier! Pero alam kong mas maganda pa ko sa umaga! Habol mo ba ang bulaklak ko'ng mabango at sariwa?" Pagbati ni Aling Evang na tila sinusubukang hawaan ako ng kanyang positive aura.

Hindi ako makangiti. Patawad aling Evang pero lubos akong nangungulila.

"I'll have the usual," sagot ko kay Aling Evang at pinagbilhan niya ako ng tatlong puting rosas.

Araw-araw ko itong ginagawa, araw-araw gusto ko siyang maalala.

Matapos ay pumupunta ako kung saan ko unang nakita si Jana. Sa may garden ng park ng aming village. Naalala ko pa ang unang beses ko siyang nakita. Ang paglingon niya noon sa akin, at ang unang beses kong marinig ang mala-anghel niyang boses.

Iniwan ko ang isang piraso ng puting rosas sa bench chair kung saan kami laging nagkikita at madalas na naka-tambay.

Pag-uwi ko, pinapanood ko naman ang mga movies na mag kasama naming pinanood. Mayroon din siyang malaking litrato sa study desk ko at doon ko iniiwan ang isa pang piraso ng puting rosas.

Pagsapit ng gabi ay umaakyat ako ng rooftop ng apartment condo na tinitirhan ko. Dito kami unang nag-date ni Jana. Dito ko rin iniiwan ang pangatlong rosas.

Sa mga sandaling ito napaka ganda ng kalangitan, nag niningning ang mga bituin sa langit. Kagaya ng gabi na aming pinagsaluhan sa lugar na ito.

Hindi ko napigilang umiyak at mapaluhod.

Until I'm Over You (Published under LIB)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora