CHAPTER 26: Jana's Journal part 2

15K 514 29
                                    

“Jana...”

“Jana my love...”

“Pabebeng sintunado gising na!”

Nagising ako nang maramdaman kong punasan ni Kier ang bibig ko.

“Saan na tayo, my love? Nakatulog pala ako?”

“Malapit na tayo. Oo, sarap nga ng tulog mo eh, naglalaway ka pa,” sagot niya at tinawanan niya ko nang kaonti.

“Hala, hindi ah! My love naman e!”

Mas lalo siyang natawa, “Okay lang ‘yan. Maganda ka pa rin. Okay ka na ba?”

May kaonti pang kirot sa ulo ko, but I have to pretend that I’m okay. I know him, hindi niya itutuloy ang mga balak niya ng dahil sa akin.

I smiled at him and pretend to look alright, “Yap! Excited na ako!”

“Saan na tayo?” Tanong ko at tumingin ako sa bintana ng kotse kung saan nakita ko ang maamong tubig ng dagat. “Manila bay? Ano gagawin natin dito?”

“Mag swi-swimming!”

“Eeeh. My love naman eh,” pabebe kong sambit sabay pout ng lips.

He laughed and said. “You’ll see, my love.”

Ilang saglit pa ay bigla siyang naglabas ng panyo at tinupi ito ng pahaba.

“What are you doing Kier?”

“Just trust me.”

Nilagyan niya ako ng blind fold sa mata. Maya-maya pa ay huminto ang taxi.

“My love ano ‘to? Kinakabahan na ko.”

Tumawa siya, “Jana naman. Easy lang. Gusto lang kitang surpresahin.”

Kinakabahan ako pero siya naman ang kasama ko kaya okay lang.

Inalalayan niya ako bumaba ng kotse, hangang sa paglalakad.

Habang papunta sa surpresa niya sa akin, naririnig ko ang paligid, tunog ng mga plato, kutsara, tinidor, at mga waiter na kumukuha ng order. Mukhang nasa restaurant kami. Dinig ko din ang mahinang alon ng dagat.

Ilang saglit pa ay tinanggal na ni Kier ang blind fold ko. Isang white round table na may mga white roses sa gitna ang tumambad sa akin. Pagtingin ko sa paligid, nakasakay kami sa isang Restaurant Yacht. Alam ko kung ano ito. Nakita ko na ito noon sa internet. They call this the Manila Bay Cruise sa Esplanade seaside terminal.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, para akong sasabog sa sobrang kilig. Pulang pula ako, alam kong namumula ako! Ramdam ko iyon dahil sa init ng mga pisngi ko

Napahawak ako sa aking bibig sa sobrang saya.

“Nagustuhan mo ba?” Tanong ni Kier. “Sorry kung ‘di ko kaya na ipa-reserve ang buong yacht a.”

Muli kong tinignan ang buong paligid. Madami rin kumakain dito, nasa table sila na blue, but ours is white and it’s on the middle part of the restaurant, para bang para sa amin ang isang event.

Ano ba ‘tong boyfriend ko? Sasabog na talaga ako sa sobrang kilig at saya e.

Napayakap ako sa kanya. “Oh my love! This is more than enough. Thank you.” I gave him a kiss kahit maraming tao.

At this point, PDA na kung PDA but nothing can stop me to show how much I love my man.

Naupo kami na mag katapat sa table, at nag-order ng pagkain.

Grabe ang sarap ng sea foods nila dito.

Then we reminisce the day we met, ‘yong mga away namin na dati ay sobrang away talaga pero ngayon tinatawanan na lang namin.

Until I'm Over You (Published under LIB)Where stories live. Discover now