CHAPTER 21: Love ones

19.9K 597 174
                                    

Ganito pala kapag malayo kayo sa isa't isa, kung anong hirap mo kapag gusto mo siyang makita tapos wala siya, mas masakit pa pala kapag nag aaway kayo. Galit pa rin ako, kaya mas mabuti na lang na itulog na lang namin ito at palipasin ang inis.

Me:  Alam mo Jana mabuti pa, matulog na lang tayo.

Jana: Mabuti pa nga! Gumagawa naman ako ng paraan para mag ka-free time pero hindi mo yata na-appreciate. Bye!

Hindi na ako nag reply kay Jana matapos kong mabasa 'yon.

Nakakainis! She's not getting my point. Simple lang naman 'yong gusto ko eh. Ako 'yong nag tatampo tapos siya pa biglang magagalit.  Makatulog na nga lang.

Sinubukan kong matulog kahit hapon pa lang. Pero hindi ako makatulog sa inis, then na-realize ko na parang hindi tama 'yong ginawa ko.

Bumangon ako at ginulo ang buhok ko, "Makalabas nga muna!"

Lumabas ako ng apartment para mag pahangin. Iniwan ko muna si Pogi. Naglakad lakad ako hangang sa makita ko ang flower shop ni Aling Evang. 

Pag lapit ko agad naman niya akong binati, "Kier! Kamusta? Napa-dalaw ka? Na-miss mo kagandahan ko 'no?"

"Ang ganda nga!" Sagot ko with exaggeration. "Ang ganda ng mga bulaklak! Mukhang wala ka pa rin dilig, aling Evang ah?"

"Loko loko ka talagang lalaki ka!" Inambangan niya ako na papaluin ng sun flower pero 'di naman niya tinuloy na paluin ako. "Pag ako talaga nadiligan, mamumulaklak talaga ako. Makita mo lang!" 

Napakunot noo na lang ako sa pantasya ni Aling Evang, "Ewan ko sayo Aling Evang." Nang makita ko ang mga bulaklak, naisip ko si Jana. Miss ko na siya kaya dapat kahit saglit lang pagkakataon na makausap siya hindi ko dapat pinapalagpas. Hindi ko dapat siya inaaway. Kaya siguro ako dinala ng mga paa ko dito sa flower shop para bumili ng peace offering, "Pabili nga pala ako ng roses, Aling Evang. Uhm... 14 pieces."

Pagkabili ko, bumalik ako sa apartment at nakipag-chat ulit kay Jana.

Me: My love, still Awake?

Jana:  Oh?

Me: I'm sorry. What I did earlier wasnt okay. I miss you kaya dapat 'di ko pinapalampas kapag may chance tayo na magkausap. 

Pagkatapos ko i-send ang reply ko. Pinicturan ko ang sarili ko na may hawak na rose at sinend ko iyon sa kanya. 

Me: Sorry na po please

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Me: Sorry na po please.

Jana: Ang pogi!

Jana: Kaso... Ayaw ko nga!

Me: Hala! My loves naman.

Jana: Pilitin mo muna ako.

(Napapangiti na ako habang kausap si Jana. Nag papabebe nanaman kasi siya at talagang ang cute niya kahit 'di ko man kita ang mukha niya. Kabisado ko naman kasi kapag gano'n siya.)

Until I'm Over You (Published under LIB)Where stories live. Discover now