CHAPTER 23: Those who were forgotten

17.7K 566 113
                                    

Akala ko tapos na ang lahat ng awkward na sitwasyong masasaksihan ko ngayong araw na ito pero may mas matindi pa pala. Si Aling Evang at si Kuya Gilbert nag de-date? What the horse biscuit!

"Ano'ng ginagawa mo dito, Papa at sino 'yang kasama mo?!" Sa tono pa lang ng boses nitong si Valerie, mukhang wala siyang kaalam alam sa love life ng Papa niya.

Gulat na gulat din naman si kuya Gilbert na hindi pa mabuo ng maayos ang sasabihin niya, "Valeng anak! Bakit ka nandito? H-Hayaan mo mag paliwanag si Papa."

"Hindi pa naman tayo sigurado na nag asawa na talaga si Mama ng iba a. Bakit po kayo nakikipag date?!" Sa lakas ng boses ni Valerie napapalingon na sa amin ang mga taong dumaraan at nakatambay din sa paligid.

"Anak, huminahon ka. Doon tayo sa banda ro'n mag usap," sagot ni Kuya Gilbert at lumayo sila ni Valerie sa amin ni Aling Evang. Mukhang mag-aaway ang mag-ama.

Pabiro ko namang tinakot si Aling Evang, "Hala ka Aling Evang. Akala mo madidiligan ka ngayon a."

Natawa nang kaonti si Aling Evang, "Oo nga e. Sayang, driver pa naman siya. For sure sweet lover."

Desperada na talaga 'tong matandang 'to. "Teka Aling Evang, paano kayo nag kakilala ni Kuya Gilbert?"

"E 'di ba nga madalas ka niyang sinusundo. Tuwing susunduin ka ni Gilbert, napapadaan 'yan sa flower shop," pag kwento ni Aling Evang habang nakatingin kay kuya Gilbert na mukhang paulit ulit na nagpapaliwanag kay Valeng sa 'di kalayuan.

Jusko, ako pa pala may kasalanan, "Oh tapos?" 

"Tapos siyempre maganda ang lola mo. Kaya tuwing dadaan siya sa flower shop, humihinto siya saglit at binubuksan niya ang bintana niya," dagdag pa ni Aling Evang nakangiti pa with pa-beautiful eyes. "Siyempre nag pa-cute naman ako, tapos kinikindatan niya ako lagi."

Napakunot noo ako sa kwento niya parang ang bilis kasi, "So kindat lang bumigay ka na?"

"Siyempre 'di pa tapos 'yong kwento 'di ba. Atat tayo Kier? Atat tayo?"

Tumawa ako sa sinabi ni Aling Evang, minsan sarcastic na patawa siya katulad ngayon.

  "Sige na, continue."

"Tapos nang pang limang balik niya na sa flower shop ko, nag lakas loob na siyang bumaba ng taxi niya at lumapit sa akin," kwento pa ni Aling Evang.

Ano ba 'tong matanadang 'to pabitin ang kwento, "Tapos ano sabi niya sa'yo?"

"Ayon na nga! Ang angas pa nga 'nong pag lapit niya sa akin, kasi nakataas 'yong kwelyo niya at nakabukas ang blue na polo niya kaya nakita ko ang puti niyang sando. Slow motion pa nga 'yong pag lapit niya eh,"  malanding pag kwento ni Aling Evang.

"Tapos nang makalapit siya. Sabi ko with mahihin na voice, Hello! Gusto me ba ng buleklek?"

Jusko po! Na-i-imagine ko itong kwento ni Aling Evang na parang isang lumang pelikula na panahon ni FPJ.

Parang bumabaliktad pa yata 'yong sikmura ko sa kwento nitong matandang 'to.  "Tapos ano sabi niya?"

"Sabi niya, magandang umaga binibini. Ang ganda ng mga bulaklak mo, pero may isang bulaklak dito na angat ang ganda. Sinabi niya 'yon habang nakatingin sa akin. Siyempre kilig to the bones ang lola mo. Tapos ayon, inaya niya ko lumabas. Kaya nandito na kami. Sabi niya hiwalay na daw sila ng dati  niyang asawa eh."

Grabe desperada talaga itong si Aling Evang, ang bilis bumigay.

"Ang easy to get mo naman, Aling Evang," tumawa ako nang malakas pero agad kong tinakpan dahil baka marinig ako ni Valeng at iba pa ang isipin niya.

Until I'm Over You (Published under LIB)Where stories live. Discover now