CHAPTER 30: To a new start

15.9K 533 114
                                    

"Huh?! Bakit ka pupunta ng America?" Tila nagulat ko si Mama sa kabilang linya ng phone.

"Gusto ko po'ng puntahan ang mga alala ni Jana," sagot ko.

Mukhang gumaan naman ang loob ni Mama sa sinagot ko, "ah sige. Kung 'yan ang paraan para maka-move on ka, kami na ang bahala kay Pogi."

"Salamat po, Ma. Doon po ako titira kila Tita Jizelle. Kakausapin ko na lang po siya."

"Sige. Mag iingat ka pa lagi a. Tawag ka lang pag may iba pa kaming maitutulong sa'yo," sambit ni Mama.

"Opo Ma. Maraming salamat po."

I need to know how she suffered there. I need to see and feel how she fought for everything without me.

Ibaba ko na sana ang phone nang biglang mag salita muli si Mama, "siya nga pala anak. Nakita namin na nakapasa ka sa Bar Exam. Congratulations anak! Gusto sana naming mag celebrate tayo nila Papa mo pero alam namin na hindi ito ang tamang oras. Sana maging maayos kana ulit."

"Thank you po, Ma. H'wag po kayo mag alala, babawi po ako sa inyo," sagot ko.

Kinabukasan ay sinundo agad ni Mama at ni Papa si Pogi. Sa mga sumunod na araw, naging busy ako sa pag-aasikaso ng Visa papuntang America. Nakausap ko na rin si Tita Jizelle at pumayag naman siya sa paki-usap ko. Bago ang pag-alis ko, naisip ko rin na asikasuhin ang mga bagay bagay pa tungkol sa pagiging lawyer ko. Sa totoo lang ayaw ko ng maging lawyer dahil wala na ang rason ko para maging successful pero alam ko'ng hindi iyon ang gusto ni Jana. Kaya kapag handa na ako, magiging isa akong mabuting abogado para sa kanya.

Sana nandito ka. Sana nakita mo na nakapasa ako. Magkasama sana nating ipinagdiwang ang lahat.

Lumipas ang mga buwan, linggo, at araw. Dumating na ang oras ng pag-alis ko papuntang America.

Narito ako ngayon kung saan ko siya huling nakita. Kung saan ko siya huling nayakap. Kung saan ko huling nadama ang kanyang halik. Kung saan ko huling nakita ang maganda niyang ngiti.

Naalala ko pa...

Naalala ko pa ang lahat...

Sana hindi na lang ako pumayag na umalis ka. Sana sumama ako sa'yo noon. Sana nag sakripisyo rin ako para sa'yo.

Sumakay ako ng eroplano at nang makarating ako ng America, sinundo ako ni Tita Jizelle at ni Mr. Harper.

"Welcome to New York, Kier!" Sinalubong ako ni tita Jizelle ng yakap.

"Thank you, Tita!"

Kinamayan naman ako ni Mr. Harper. "How's it going, son?"

Nakipagkamay ako sa kanya at ngumiti. "I'm fine, Mr. Harper. Thank you!"

Sumakay kami sa kotse ni Mr. Harper. Habang bumabyahe, napadaan kami sa Central Park at naikwento ni Mr. Harper si Jana, "Jana used to play there when she was a Kid. She used to say that when she grew up, she'll change how that park looks like. Like improve it!"

Nai-magine ko si Jana na isang bata. Masayang naglalaro. Ang cute cute. Nakangiti at tumatawa kasama ang kanyang Mama at Papa. Nakakagaan ng pakiramdam ang isipin na masaya siya.

"Mr. Harper. You should have seen our park back in our Village. Jana made a huge improvement there. Many people visit our park nowadays, and some are from a faraway place," sambit ko nang may ngiti sa aking mukha. Feeling Proud!

Ngumite si Mr. Harper, "Sounds like you're so proud for our baby girl! Please... call me George!"

Sumingit naman si Tita Jizelle. "Well I'm the one who's more than proud here. We're talking about my baby!"

Until I'm Over You (Published under LIB)Where stories live. Discover now