CHAPTER 39: Dragon Soup

13.2K 452 51
                                    

"Kier..."

"Kier please..."

"Kier wake up..."

Nagising ang diwa ko sa mga pag-iyak ng isang babae. Ang lambot ng pakiramdam ko sa likod. Nakahiga na yata ako sa isang kama. Parang nasa hospital yata ako. I hear the beeping sound of the ECG Machine and the smell of medicine. 

Bahagya ko'ng minulat ang aking mga mata para makita ang paligid. Tama, nasa hospital na nga ako. Nakita ko si Valerie na nagbabantay sa akin. Nakayuko lang siya at umiiyak. Hindi pa naman ako patay pero iyak na siya ng iyak. Hmmm... Biruin ko nga.

Ilang saglit pa, pumasok sa kwarto sina Mama at Papa. Kaonti lang ang pagmulat ko sa aking mga mata para 'di nila mahalata na gising na ako. 

Hinimas ni Mama ang likod ni Valerie, "Hija, mag pahinga ka muna, kami na muna ng Papa ni Kier ang bahala sa kanya. Halos isang linggo ka nang nandito at nagbabantay sa kanya. Huwag ka'ng mag alala tatawagan kita agad pag gising niya."

What the?! Isang linggo? Tulog ako ng isang linggo? Ano ba'ng nangyari? Pinilit ko'ng alalahanin ang akala ko'ng isang panaginip. Tama... isang linggo na pala ang lumipas simula nu'ng dukutin kami ni Mr. Valdez at pahirapan ako ni Andrew.

"Tita dito lang po ako, please. Dito lang po ako sa tabi niya. Gusto ko po makita siyang ligtas, gusto ko po'ng malaman agad na okay siya," sagot ni Valerie.

"Hija, huwag ka mag-alala malakas 'yan si Kier. He'll wake up soon... Trust me," sambit ni Papa.

Niyakap ni Mama si Valerie at nilapitan naman ako ni Papa.

Hinimas niya ang ulo ko at inayos ang damit ko. Dumilat ako habang si Papa lang ang nakatingin sa akin. Nanlaki ang mga mata ni Papa ng makita na gising ako kaya agad ko siyang kinindatan.

Mukhang na-gets agad ni Papa ang ginagawa ko kaya hindi niya sinabi kay Valerie na gising na ako.

Dad cleared his throat and said, "A... e... Valerie hija, pwede ba makisuyo sa'yo bumili ng makakain? Nakalimutan kasi namin bumili kanina."

Pabirong pinalo ni Mama si Papa, "Ano ka ba naman? Kakatapos lang natin kumain a."

"E... Para mamaya lang sana," giit ni Papa.

Pinagalitan lang siya ni Mama, "Tumigil ka nga. Nakakahiya dito kay Valerie."

"Uhmm... Okay lang po, Tita," sagot naman ni Valerie. Nag punas siya ng luha at ngumite, "Sige po tito, ako na po ang bahala."

Umalis si Valerie at naiwan kaming tatlo nila Mama't Papa sa kwarto.

Kinurot ni Mama sa may tagiliran si Papa, "Ikaw talaga! Nakakahiya doon kay Valerie, inutusan mo pa."

"Aray! Let me explain mahal," sambit ni Papa at tumingin siya sa akin. "Kier anak. Okay na. Nakaalis na si Valerie."

Tuluyan ko'ng minulat ang aking mga mata at gulat na gulat naman si Mama na naiiyak-iyak pa.

Agad niya akong niyakap. "Kier anak! Diyos ko! Salamat po!"

"Hi Ma!" Niyakap ko si Mama at nakipag-fist bump ako kay Papa. "Thanks Pa!"

"Kamusta anak? May masakit pa ba sa'yo? Ano nararamdaman mo?" Nag-aalalang tanong ni Mama.

"Medyo okay na po, pero medyo ramdam ko pa rin ang sakit ng katawan ko at ang sugat ko sa braso," sagot ko.

"Ang mahalaga ligtas ka na!" Hinalikan ako ni Mama sa noo at inayos ang aking buhok. "Kailan ka pa gising? Don't tell me matagal na at mag ka-kontsaba lang kayo nitong Papa mo?"

Until I'm Over You (Published under LIB)Where stories live. Discover now