CHAPTER 10: Unfortunate Kier

23.8K 679 65
                                    

"What?! Paanong naliligaw? Akala ko ba alam mo 'yong shortcut?"  inis kong sambit kay Valerie.

"Ang kulit mo kasi eh, ikaw may gustong mag shortcut tayo! Kaya 'yan naliligaw na tayo!" inis din niyang katwiran.

"You could have said na hindi mo alam 'yong shortcut! E 'di sana nag hintay nalang tayo sa traffic!" Giit ko.

Wala siyang naisagot kaya ginaya na lang niya ang sinabi ko na parang bata, "You could have said blah blah blah."

"Oo na your honor, kasalanan ko na!" Sambit pa niya.

God! Parang bata naman 'tong babaeng 'to.

Muli niyang pinaandar ang taxi para mag hanap ng mapag tatanongan. Nang makakita kami ng isang tindahan, huminto siya at lumabas ng taxi.

"Wait here, your honor. Mag tatanong tanong ako!" at pabagsak niyang sinara ang pinto ng taxi.

Tumawid siya at pumunta sa isang sari-sari store. Napansin kong may mga nag iinuman sa tabi ng tindahan kaya bumaba ako ng taxi at sinundan siya, just in case may mangyaring hindi maganda.

Lumapit si Valerie sa tindera at nagtanong, "Excuse me po. Pwede pong mag tanong?

"Pwede naman, pero bili ka muna," sagot ng tindera.  "Everything is business ineng," dagdag pa nito.

Hindi umangal si Valerie at bumili na lamang, "Sige, pabili po ng bubble gum." Binigay ni Valerie ang pera niya at iniabot naman sa kanya ang bubble gum.

"Sige, ano 'yong itatanong mo?"

Nagtanong si Valerie sa tindera kung saan ang direksyon papunta sa school na pinapasukan ko. Nag bigay naman ng tila 'di maintindihang direksyon ang tindera, sana lang na-gets ni Valerie kasi ako hindi.

Nagpasalamat si Valerie sa tindera, ngunit bago siya makaalis ay hinarang siya ng isa sa mga manginginom na naka tambay sa tabi ng tindahan. Kalbo at walang suot na damit pantaas ang lalaki at may mga tattoo ito na hindi ko maintindihan kung ano. Looney toons yata or adventure time.

"Hi Miss! Ang ganda mo naman. Upo ka muna dito sa amin, wala kaming ka-table eh," sambit ng lasenggo habang tintignan niya si Valerie mula ulo hangang paa.

"Excuse lang po kuya," pakiusap ni Valerie.

"Huwag ka naman mag madali, saglit lang naman itong inuman natin eh!" Pilit ng lasenggo.

Ngumiti lang si Valerie pero mukhang fake smile ang ngiti niya.

Hindi pinapadaan ng lasengo si Valerie at tinawag nito ang mga kasama niya, "Mga pare may ka- table na tayo! Tara lapit kayo! Ang ganda nito oh!"

Sumipol ang isa sa mga kasamahan ng lasenggo, "Very nice, ang puti niyan ah!"

Pinalibutan nilang apat si Valerie at bigla siyang hinawakan ng isa sa mga tambay sa balikat.

Agad kong pinuntahan si Valerie para pigilan ang mga lasenggo. Ngunit bago pa man ako makalapit..

"Aah!" Sigaw ng isa sa mga lasenggero, dahil binali ni Valerie ang kamay niya papunta sa likod nito at agad na tinulak niya ang lalaki papunta sa mga kasamahan niya. Dahilan upang magkahiwa-hiwalay ang mga tambay at matumba sila. Madali silang napatumba ni Valerie siguro dahil sila'y mga lasing na. Gulat na gulat naman ako sa aking nakita dahil hindi ko akalaing kaya pala ni Valerie na ipagtangol ang sarili niya.

Agad kong pinuntahan si Valerie at hinawakan ko ang kamay niya para hatakin siya at mag madaling bumalik ng taxi.

"Huwag mo ngang hawakan ang kamay ko!" sambit ni Valerie at agad kong binitawan ang kamay niya. Nakakatakot siya, parang dragon.

Until I'm Over You (Published under LIB)Where stories live. Discover now