CHAPTER 47: Break Even

13.9K 420 51
                                    

Kier's Point of View

Ang sakit...

Hindi ko alam kung bakit masakit...

Oo masakit ang panga ko dahil sa suntok ni Shane pero bakit ang sakit din sa puso ng ginawa ko kay Valerie?

What the hell's going on? Puro si Valerie laman ng isip ko ngayon. Naaalala ko lahat. Lahat ng kulitan at asaran namin. Lalong lalo na ang matiyaga niyang pag aalaga sa akin noon. Kahit 'yong lasa ng hindi niya masarap na luto parang nalalasahan ko sa dila ko.

Nakakabaliw!

"Alleiea, do I have an appointment for today?" Tanong ko sa aking secretary.

"Wala po, sir Kier. O-Okay lang po ba kayo?"

"Aalis na muna ako a. You can also go somewhere if you want. Just treat this as a paid vacation. Tell everyone about it too," sambit ko.

Dahil gulong gulo ang isip ko, minabuti ko na lang na umalis ng opisina at mag maneho. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ayaw ko rin munang umuwi.

I've been driving for hours and hours without a destination. Parang sa loob loob ko may gusto akong biglang makita habang nag mamaneho. Damn it!

Inabot ako ng hapon sa daan, hindi ko pa rin alam kung saan ako pupunta. Then I found myself in this bar. Kung saan dating nagta-trabaho si Valerie.

Now, why am I here? That's something I don't know. Dinala lang talaga ako ng diwa ko dito.

Sarado pa ang bar nang makarating ako. Ngunit nakita ako ni Karlo na agad naman akong binati.

"Insan! Napadalaw ka?" Tanong ni Karlo.

"Insan!" Nag-fist bump kami bilang batiaan. "Hindi ko alam kung bakit ako nandito, insan. But I think I'll be needing a drink, kaso sarado pa pala."

"Mukhang may problem ka ah. Huwag ka mag alala pwede tayo pumasok dito. You're with me." Inakbayan ako ni Karlo at pumasok kami sa loob ng bar.

Wala pang masyadong tao sa loob pero may mga crew na. Umupo kami ni Karlo sa harap ng bartender at nag order kami ng beer.

"Oh heto bro." Iniabot niya sa akin ang inumin. Agad ko naman itong ininom.

Naka-tatlong beses akong uminom bago ako tanongin ni Karlo.

"So bro, anong problema?"

"Pag ibig, bro."

"Naku! Sinasabi ko na nga ba eh? Anong nangyari? Hindi ka ba nakapag hulog ng monthly contribution o may problem ka sa housing loan? Ano bro?" Tanong ni Karlo.

"Putakte ka, hindi 'yon!"

"Joke lang bro. Breaking the ice lang," sambit ni Karlo sabay tawa. "So ano ngang problema?"

"Si Valeng kasi, bro," sagot ko. "Nalilito ako sa kanya at kay Mia."

"Huh? What do you mean? Tsaka sino 'tong si Mia?"

Ipinakita ko sa kanya ang picture ni Mia sa FB. Gulat na gulat naman siya at tila di makapaniwala, "What da sh*t biscuit! Kamukhang kamukha niya si Jana. Ano ba 'yan bro? Pinsan ni Jana, or kamag anak?"

"Hindi eh. Sadyang magkamukha lang talaga sila."

"Tapos nakilala mo pa 'no? Pagkakataon nga naman oh," sambit ni Karlo. "Let me guess, may feelings ka na kay Valerie pero na fa-fall ka dito kay Mia dahil kay Jana. Tama ba?"

Hindi ako naka-sagot sa tanong ni Karlo. Tama siya, may nararamdaman ako kay Valerie at sobrang lakas nito. Pero may kakaiba rin akong nararamdaman kay Mia. Dahil nga ba kamukha siya ni Jana o dahil sa kanya mismo?

Until I'm Over You (Published under LIB)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن