CHAPTER 5: The Past part 4

28.6K 845 147
                                    

Continuation of Flashback -- two years ago.

Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko si Jana na palabas ng pintuan nila. Kahit naka pyjama na siya, ang cute cute parin niya. Lumabas siya at lumapit sa amin. Una niyang binati si Pogi dahil nakita niya ang tatlong pirasong sun flower na kagat kagat nito.

"Hi Pogi! Is that for me? Ang sweet naman ng baby doggy," sambit ni Jana at hinimas niya si Pogi. Kinuha din niya ang mga sun flower.

"Uhmm.. Hi Jana!" pagbati ko sa kanya at sumilip ako sa likod niya. "Nandyan ba si Tita?"

Sinungitan niya ako at nagtanong sa akin, "Si Mama pala pinunta mo dito eh. Bakit tinawag mo pa 'ko?"

"Jana naman, hindi. Naninigurado lang, kasi sabi mo strict sa'yo si Tita eh. Baka magalit siya sa pag bisita ko." paliwanag ko.

"Huwag ka mag alala wala si Mama. Ako lang nandito, mamaya pa ang uwi niya," sambit ni Jana.

"Uhmm... nagustuhan mo ba 'yong kanta namin ni Pogi?" nahihiya kong tanong sa kanya.

Natawa naman siya, "A for effort,  kaso nagising mo 'yong kapitbahay namin."

Napangiti naman ako dahil mukhang na-appreciate naman niya 'yong ginawa ko.

Inamoy niya 'yong hawak niyang sun flower at nag tanong sa akin, "Bakit Sun Flower 'yong binigay mo?"

Naku! Hindi ko pwedeng sabihin na dahil wala nang ibang bulaklak kaya sun flower. Improvise Kier, Improvise!

"Kasi... you're my sunshine even at night time,"  sagot ko.

Nakita ko naman sa mukha niya na parang kinilig siya sa mga ginagawa ko. Napangiti siya at namula ang kanyang mga pisngi.

Kinuha ko naman ang pag kakataon para makapag sorry sa kanya, "Jana, I'm so sorry for what happened earlier. Nakita ko na kung saan ako nag kamali. It's my entire fault, I should have showed you kung ano talaga ang kaya ko, kung ano talaga ako. Sorry kung inisip ko na gusto mo ang mga mamahaling bagay. I should have seen noon pa na hindi ka katulad ng iba, para sa akin wala kang katulad. Will you give me another chance para i-date ka ulit?"

Tahimik siya at tila nabigla sa sinabi ko. Napabuntong hininga siya at ngumiti. "Sige na nga, pasalamat ka may Pogi kang kasama. When?"

"Ngayon na."

Nabigla siya sa sinabi ko, "Huh? Naka pyjama na kaya ako."

"Saan ba tayo pupunta?"tanong niya.

"Just come with me. I promise that you won't be disappointed," sagot ko at iniabot ko ang kanang kamay ko sa kanya.

Humawak naman agad siya sa kamay ko, "Sige na nga. But I only have an hour bago makauwi si Mama ah."

"Sapat na ang makasama ka, 'di importante kung gaano katagal," sambit ko at nginitian ko siya.

Hinubad ko ang suot kong blazer at ipinasuot ko sa kanya para hindi siya lamigin. Ayos lang naman dahil may t-shirt pa ako.

"Ano tara na?" tanong ko at tumango siya.

Tumakbo kami habang hawak ko ang kamay niya, at hawak ko naman ang tali ni Pogi sa kabila. Kitang kita ko sa mga mukha niya na masayang masaya siya. Dinala ko siya sa apartment building kung saan ako nakatira. Pumunta kami sa unit ko at binuksan ko ang pinto.

"Teka Kier, ang bilis naman bakit dinadala mo ko agad dito sa unit mo?" nagaalala niyang tanong sa akin.

Natawa ako sa sinabi niya. "Wait here. Hawakan mo muna si Pogi," pasuyo ko at pinag hintay ko siya sa labas ng unit ko.

Until I'm Over You (Published under LIB)Where stories live. Discover now