CHAPTER 49: Dragons VS Puppies part 1

13.5K 381 104
                                    

Valerie's Point of View

Siguro aalis na lang talaga ako. Ano bang laban ko sa kamukha ni Jana?

Next week na. Aalis na kami ni Shane papuntang South Korea. Kaya ko ba? Kaya ko kaya na mawalay kay Kier?

Ano ba Valeng, Kier pa din ba? May Mia na nga eh. Bakit ba kasi bigla na lang si Kier ang mahal ko? Si Shane 'yon dati eh. Pero ngayon kahit anong gawin ko, hindi ko maibalik 'yong dati kong pag ka-gusto kay Shane.

Today is the day, despedida vacation daw sabi ni Papa. Nalulungkot si Papa sa mangyayaring pag alis ko next week, pero buti na lang at may Tita Evang na sa buhay niya.

"Valeng Anak! Ready ka na ba? Nandito na mga kaibigan mo! Ikaw na lang hinihintay at aalis na tayo! " Pagtawag sa akin ni Papa.

"Pababa na po, Pa!"

Isang oras na akong pumipili pero hindi pa din ako makapag-decide kung anong swimsuit ang aking susuotin. Kaylangan kasi hindi ako matalbugan ng Mia na 'yon. Ito bang blue na two piece, or itong puti na polka dots na bikini, or pwede din itong red na micro kini para sapaw talaga si Mia kaso masyadong malaswa, or itong yellow na one piece?

Ang hirap! Mag t-shirt na lang kaya ako?

Anyway, naisip ko lang bigla. Sino kaya mas macho kay Kier at Shane?
Kinikilig ako!

Sa sobrang tagal ko, kinatok na ako ni Papa sa kwarto. "Valeng anak ano ba? Naghihintay sila sa baba oh!"

Dadalhin ko na nga lang lahat at mamaya na ako mamimili. Titignan ko muna kung anong suot ni Mia. Tapos, tatapatan ko na lang.

Lumabas ako ng kwarto at bumaba. Nandito na nga silang lahat. Si Shane, Si Papa, Tita Evang, si Mingay, si Karlo, Rex, Cheska, si Mia, at si Kier.

"Oh ano? Sino sino ang mag kakagrupo?" tanong ni Tita Evang.

"Bali ako, si Shane, si Papa, si Mingay, at si Rex. Team dragons kami." Sagot ko.

"Ayaw mo ako ka team, Valeng?" Tanong ni Tita Evang.

"Hiwalay muna kayo ni Papa para may thrill." Sagot ko.

"Asus! Porket hiwalay lang kayo ni Kier eh pag hihiwalayin mo na kami ni Gilbert." Biro ni Aling Evang.

Napakunot ng noo si Mia na nakatingin sa amin.

Nginitian ko si Mia at nagpaliwanag. "Huwag mo pansinin 'to si Tita Evang, malakas lang talaga siya man-trip."

Ngumisi si Mia. "Okay lang."

Mukhang mabait naman pala 'tong si Mia.

"Well I guess, sa akin na sila Aling Evang, si Mia, si Karlo, at si Cheska." Sambit ni Kier.

"Yes! Buti mag ka grupo tayo. Ano pangalan ng team natin?" Tanong ni Mia kay Kier.

"Team Puppies."

"Naks! Bagay ah. Mukha pa namang puppy leader niyo." Hirit ko.

"Weh? Bakit kayo dragons? Ibig sabihin tanggap mong mukha kang dragon." Banat ni Kier.

"Tse!"

"Tama na ang asaran at ako'y ligong ligo na sa dagat. Halika na at baka matraffic pa tayo." Pag-aya ni Papa sa aming lahat.

Dalawang sasakyan ang inarkila namin para sa trip na ito. Hiwalay ang team puppies at team dragons. Siyempre para makapag plano. Dapat kami manalo dito.

Habang nasa biyahe nag tanong si Mingay sa akin.

"Ano baga ang premyo nito Bes pag nanalo tayo?"

Until I'm Over You (Published under LIB)Where stories live. Discover now