CHAPTER 18: Valerie's Past part 3

17.8K 527 105
                                    

(Valerie's POV, still at 2 years ago flash back)

Ang tagal. Ano ba kasi 'yong sasabihin niya at bakit parang hindi niya mabigkas. Kung gusto niya ako sabihin niya kasi gusto ko din siya. 

"Valerie..."

Biglang hinawakan ni Shane ang mga kamay ko na nakapatong sa table. Nakatitig pa rin siya sa akin at ako din sa kanya.

"Yes, Shane?"

"Valerie, I don't know exactly what I feel about you. But I am really happy when I'm with you. Wala kang arte sa katawan, at napakagaan mong dalhin. Gusto ko na palagi kang kasama, gusto kong palagi kang nandiyan," sambit ni Shane sa akin.

Hindi ako nakapag salita. Natulala lang ako sa kanya at bahagya na palang naka bukas ang bibig ko.

"Valerie... I... Ah... I... I like you as my very special friend."

Siryoso siya base sa mga tingin niya. Ako naman itong gaga, asumera. Ayan tuloy! Friend zoned ang drama! Ouch!

Pero kahit hindi 'yon ang ini-expect kong sabihin sa akin ni Shane, masaya na din akong nalaman na may special feelings siya para sa akin. Kahit special friend lang. A bit disappointed, pero may pangarap 'yong tao eh. Mag hihintay na lang ako na makamit niya iyon.

"Thank you, Shane. Huwag ka mag alala, lagi akong nandito para sa'yo. Para suportahan ka, pasayahin ka, at para tulungan ka kumanta," nakangiti kong sagot.

Nginitian niya rin ako at hinawakan niya ang kaliwang balikat ko, "Salamat talaga, Valerie."

Pagkatapos ng aming special lunch date, nag practice kami sa studio niya. Ang saya namin ng araw na iyon, kaya napag tripan din namin na kumuha ng mga litrato habang nag kukulitan.

Lumipas ang mga panahon at lalo kaming naging malapit sa isa't isa. Madalas niyang hinahawakan ang mga kamay ko. Minsan ay niyayakap niya din ako. Unti unti kong napansin na mas nahuhulog na ako sa kanya dahil sa mga kakaibang bagay na ginagawa niya para sa akin.  Hinahatid niya ako sa bahay gabi gabi, madalas kaming kumakain sa labas, namamasyal, at tila parang date talaga kapag kasama ko siya.

Kung makikita kaming mag kasama, parang kami na talaga. As in boyfriend ko siya, girlfriend niya ako. Unofficially yours ang drama. Tingin ko mahal ko na siya.

Oo mukhang mahal ko na nga siya. Pero kaibigan lang ang gusto niya. Saklap!

One day, nagkaroon ng meeting ang staff ng bar at mga performer para sa valentines event. Napili kami ni Shane na mag perform nang mag kasama.

Kilig to the bones naman ako! Duet with Shane! Kiyaah!

"I'm pretty sure magiging the best ang performance natin. Kasama ko ba naman ang pinaka magaling kumanta sa bar na ito eh," sambit ni Shane habang nakatingin sa akin at nakangiti.

Pabiro ko naman siyang itinulak sa braso, "Hindi kaya! Ikaw nga mag dadala sa akin eh."

"Anong ako? Ikaw kaya!"Giit naman ni Shane at bigla niya akong kiniliti sa tagilirin.

"Huwag diyan Shane!" At napatili ako ng malakas.

Nagtinginan naman sa amin ang mga tao sa paligid. Napakamot ulo si Shane habang nakangiti at ako nama'y binigyan sila ng peace sign.

Pabiro kong pinalo si Shane sa braso at binulungan, "Ikaw talaga. Sabi ko huwag mo ko kikilitiin 'don eh."

Tinawanan lang ako ni Shane nang mahina, "Sorry na."

Matapos ang meeting, at paglabas namin ng bar... "Labas tayo? Let's celebrate!"

Nagulat naman ako sa paanyaya niya, "Celebrate agad?! Hindi pa nga tayo nakakatugtog?"

Until I'm Over You (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon