CHAPTER 43: In Love

13.5K 409 114
                                    


Valerie's Point of View

Naiinis ako!

Nakakainis talaga!

Kapag nakita ko talaga itong puppy na 'to, yari talaga siya sa akin!

Sino ba kasi 'yong Mia na 'yon?! Pretty daw? Tse!

Mas cute pa din ako. Cute Dragon!

It's been a long time since the day we got kidnapped by that maniac Valdez and that psycho Andrew. Doon nagsimula ang lahat...

Simula noon iba na ang pakiramdam ko kay Kier. Gusto ko na siya. Tingin ko hindi lang basta gusto...

I think I'm in love with him.

The way he sacrificed himself for me, the way he threw himself in a dangerous situation just for me, the way we laugh at each other, and every way he does for me... I ah...

I...

I love it...

Alam kong ginawa din ni Shane ang lahat para sa akin pero hindi ko kayang lokohin ang sarili ko. This feeling I felt every time I am with Kier is something I haven't felt before. Masaya ako kapag kasama siya. Walang dull moment sa mga asaran namin.

Lalo na nu'ng matagal siyang hindi nagpakita sa akin dahil kailangan niyang mag-move on kay Jana, sobrang na miss ko siya.

Mahirap man aminin pero mahal ko na siya. Oo gusto ko si Shane noon pero unti unting nawala 'yon nang nakilala ko si Kier. First time in my life na bigla na lang ako na in love. Not because of his looks but because of everything about him.

In love ako sa ugali niya, in love ako sa kilos niya, in love ako kahit amoy aso siya minsan. Nakakainis 'di ba? Pero nakakakilig. Lalo  na pag inaasar niya ako.

I missed him. Nasanay akong nandoon sa bahay niya at inaalagaan siya. 'Yong tipong araw araw kasama ko siya.

Gusto kong sabihin sa kanya, pero paano kung hindi kami parehas ng nararamdaman?

Paano kung hangang ngayon hindi pa rin siya nakaka-move on kay Jana? Handa naman akong maghintay hangang sa maka-move on siya e, kahit gaano katagal. Basta kasama ko siya.

Rest day ko sa pagiging member ng Four Maidens kaya nandito lang ako sa kwarto ko. Pagulong gulong sa kama. Iniisip siya. Gusto ko siyang puntahan kaya lang nag papahinga siya. Baka sabihin niya clingy ako, tsaka hindi pa naman kami, baka lumaki ulo ng puppy na 'yon.

Pero nakakainis 'yong wala kang magawa at nasa kwarto ka lang na nag iisip. Kung ano-ano pumapasok sa isip ko. Lalo na sa pagkikita nung Mia at ni Kier. Hindi kaya nagandahan si Kier sa kanya? Or baka kaya siya pagod kagabi ay dahil... Dahil...

Biglang kumatok si Papa sa kwarto ko.

"Valeng, anak! May naghahanap sa'yo labas!"

OMG! Baka si Kier!

"Sandali lang po, Pa!"

Nag-ayos ako ng aking sarili. Inayos ko ang buhok kong magulo nang dahil sa kakagulong sa kama.

Nakaka-excite talaga! Sabi ko na hindi ako matitiis ng puppy na 'yon e.

Lumabas ako ng kwarto at bumaba sa sala. Lumabas ng bahay at binuksan ang gate ng bahay. Bumungad sa akin si...

"Surprise!!"

"Shane?! A-anong ginagawa mo dito?"

Biglang bumisita si Shane sa bahay. May dala dalang malaking teddy bear na halos kalahati ng katawan ko ang size, bouquet ng red roses, at mga chocolates.

Until I'm Over You (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon