CHAPTER 31: The Strong Woman

7.1K 178 10
                                    

Maayos at formal ang itsura ng babae. Mukha siyang office girl. Naka-make up, naka-white blazers, at skirt siya. Cute siya na mukhang masiyahin pa yata kundi lang sa mukha siyang nahihiya na humarap sa akin ngayon.

Nilapitan ko siya at nginitian. Inalok ko rin na makipagkamay sa kanya, "Hi! I'm attorney Kier de Leon."

"Uhm... H-Hello po Attorney," nakipagkamay naman siya ngunit agad niyang iniwas ang tingin niya sa akin.

Hindi ko na lang iyon pinansin at niyaya ko silang maupo sa mga upuan na nasa harap ng desk ko, "Tara po. Pag-usapan natin kung ano ang maitutulong ko sa inyo."

Tumalikod ako sa kanila at lumakad papunta sa desk ko. Pero narinig ko'ng bumulong ang babae na tila nagmamaka-awa sa nanay niya.

"Ma, ano ba? Tara na. Nakakahiya. Umalis na tayo dito."

"Tumigil ka nga diyan, babae ka! Ginawa-gawa mo 'yan tapos ngayon mahihiya ka?!" Dinig ko'ng sagot ng nanay. Lakas ba naman ng boses e. Mukhang pinapahiya niya pa tuloy lalo ang anak niya.

Nang makaupo ako sa likod ng desk ko, umupo na rin silang mag-ina sa dalawang magkaharap na upuan sa harap nito. Nakayuko lamang ang babae at ang nanay naman niya ay pinatong pa ang braso sa desk ko.

"Attorney, ito po ang problema. Ito kasing anak ko, dalawang buwan ng buntis. Tapos, itong magaling na lalaki ayaw siyang panagutan! Tumakas na at umuwi na raw ng probinsya! Aba! Ano siya sinuswerte?! Gusto naming kasuhan para magbigay ng sustento! "

Dama ko ang galit ng nanay ng babae. Sa lakas ng boses niya parang sa akin pa yata siya galit. Grabe 'to. Mala-Godzilla.

"Kung walang maibibigay na sustento, dapat makulong siya! Kasuhan natin ng rape, attorney!" Dagdag pa ng ale.

"Teka lang po, misis. Huminahon po kayo. Pag-iisipan po nating mabuti ang pwedeng ikaso sa kanya. Kasi hindi po tayo pwedeng magsampa ng kaso na hindi naman ginawa ng tao. Unless..." Bumaling ako sa babae saka ko itinuloy ang sinasabi ko, "...na-rape ka ba talaga?"

Nakayukong umiling ang babae. Hindi pa rin siya makatingin sa akin. Hinawakan niya sa braso ang nanay niya at nagmakaawa siya, "Ma, tama na 'tong iskandalong ito. Umalis na lang tayo. Ayoko na ng gulo."

"Tumigil ka diyan ha! Baka gusto mo'ng kalbuhin kita?! Punyemas ka! Lalandi landi ka! Nakita mo'ng hirap na hirap tayo sa buhay. Hindi ka pa nga nakakatulong sa amin, may idadagdag ka pa'ng palalamunin!" 

Bakas sa mukha ng babae ang hiya mula sa inaasta ng nanay niya. Dinig ko ang mga bulong niya sa nanay niya para ito'y tumigil na.

"Ma, ano ba? Nakakahiya o. Makipag-usap ka naman nang maayos."

Pumiglas sa pagkakahawak ng babae ang nanay niya. "Hinde! Mabuti ng alam ni Attorney na hikahos tayo sa buhay at kung gaano kasakit sa akin 'yang pagkakamali mo! Maling mali 'yang magiging anak mo!"

Naiyak ang babae sa sinabi ng nanay niya kaya't pinili ko'ng tumahimik na lamang.

"Ma tumigil ka na, please! Oo nagkamali ako pero h'wag mo naman sabihing pagkakamali ang inagbubuntis ko. Nagkamali ako sa napiling lalaki pero hindi pagkakamali ang magiging baby ko. Tinadhana siya sa akin at bubuhayin ko siya kahit mag-isa lang ako!" Tila hindi na napigilan ng babae ang damdamin niya. Agad siyang tumayo at nag-walk out palabas ng opisina ko matapos niyang sagutin ang nanay niya.

"Saan ka pupunta?! Bumalik ka rito!" Agad siyang hinabol ng nanay niya sa labas ng opisina ko.

I was left stunned to what happened. That's too much of a scene for my first ever client sa sarili ko'ng law office. But come to think of it, naiinis ako sa lalaking naka-buntis sa kanya. Tumakas na lang dahil takot sa responsibilidad. May mga tao talagang walang kwenta.

Until I'm Over You (Published under LIB)Where stories live. Discover now