CHAPTER 17: Valerie's Past part 2

18.9K 542 171
                                    


(Valerie's POV)

Still at flash back – two years ago.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko akalain na ganito din kabilis ang mga pangyayari. Mag hahalikan ba kami ni Shane? OMG!

Nakapikit pa rin ako at naghihintay sa matamis niyang halik.

Waiting...

Waiting...

Waiting...

"Valerie? Are you okay?" Tanong ni Shane. Nasa baba pa rin pala ako.  Shocks! Nag daydream ako sa harap niya! Hindi pa pala ako humahawak sa kamay niya at wala pa kami sa stage.  Nakakahiya talaga!

"Ay sorry Shane," humawak ako sa kamay niya para umakyat ng stage. Akala ko mangyayari ang daydream ko, pero hindi pala. Maayos pala niya akong naikyat sa stage.  Sayang! Umasa pa naman ako. Akala ko may glimpse na ko ng future namin.

Tingin ko nag b-blush ang mga pisngi ko. Nakakakilig na malaman na alam niya pala ang pangalan ko.

"Sige game. Ipakita mo nga ulit sa akin 'yong dance step mo,"  umatras si Shane mula sa akin paea bigyan ako ng space.

Nakakagulat at nakakahiya. "Nga-ngayon na? I-I mean, nakakahiya eh."

"Ano ka ba? Ayos lang yan. Tayo lang naman nandito eh. Huminga ka nang malalim. Then try to pretend that I'm not here,"  nakangiti niyang sambit 

"S-sige. H'wag mo ko tatawanan ah," huminga ako ng malalim. Ngumiti lang siya at nakakuha naman ako ng lakas ng loob.

"Sige game!"

Ipinakita ko sa kanya ang sayaw ko na sabay sa tono ng aking pagkanta ng California Girls ni Katy Perry. 

Pagkatapos ay pumalakpak siya, "Nice! I don't think marami pa kong dapat ituro sa'yo. I mean you're a natural!"

Nahiya ako at napangiti sa sinabi niya, "Amm.." Hinawi ko ang aking buhok sa tenga. "Thanks Shane," iwas ang tingin sa kanya dahil na din sa hiya.

"Siguro meron ka lang maling stance kanina pag dating doon sa bandang chorus ng kanta," sambit ulit niya habang nakatingin sa mga paa ko na para bang nag iisip.

"Siguro mas bagay kung ganito," sumayaw si Shane na parang tubig sa lambot ng kanyang katawan. Ang galing niya, mukhang siya 'yong mas natural sa amin eh. "Ikaw naman. Try mo."

Sinubukan kong gayahin 'yong dance step na ipinakita niya at siya ang nag bilang para sa akin.

"One, two, three, four, five, six.. .Seven, eight."

"Then turn around.. Eight, seven, six, five, four, three, two.."

Bigla akong napasigaw. Nag kamali ako ng pag ikot, at kamuntik nang matumba.

Buti na lang sinalo ako ni Shane.

Nagkatitigan na naman kami at magkadikit kami. This time totoo na talaga. Bumibilis ang paghinga ko. Kinakabahan ako.

"Ayos ka lang ba Valerie?" tanong niya.

Hindi ako nag salita pero tumango ako. Agad niya naman akong inalalayan sa pagtayo.

"Sige ulitin natin 'yong last part, this time aalalayan na talaga kita," nakangiti niyang sambit.

Hinawakan niya ang bewang ko sa mag kabilang gilid gamit ang dalawa niyang kamay. Nagulat ako at parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko nang gawin niya iyon.

"Okay lang ba?" Tanong niya.

Hindi na naman ako nakapag salita. Natatameme talaga ako sa kanya. Tumango nalang ako.

Until I'm Over You (Published under LIB)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora