Epilogue

26.1K 616 140
                                    

Kier's point of View

Nagmadali ako sa pagbukas ng pinto para makita ang aso ko. Tahol na ng tahol si Pogi na tila excited nang makita ako. Binuksan ko ang gate ng bahay at  tumabad sa akin si Alleiea kasama si Pogi.

"H-Hello, sir Kier! Aso niyo po ito 'di ba?"

"Oh my god! Buddy!" Inabot ni Alleiea sa akin ang aso ko at agad ko naman kinarha si Pogi. "I missed you buddy. Please don't run away from me again."

"Alleiea maraming salamat. Saan mo siya nakita?"

"Doon po malapit sa bahay. Galing ka po ba ng sementeryo kahapon, sir Kier? Malapit kasi ang bahay namin doon kaya nakita ko siyang pagala-gala sa kalye namin."

Speechless ako. I was worried sick about my dog at buti na lang si Alleiea ang nakakita. Dahil sa saya niyakap ko siya. "Thank you, Alleiea."

***

7 months passed. Naging sobrang busy ako sa trabaho. Miss na miss ko na siya. Hangang ngayon nagsisisi pa rin akong pinalampas ko ang pagkakataon na mapasa-akin siya. Kamusta na kaya siya sa Korea? Sila na kaya ni Shane?

Ako ang huling lumabas ng opisina at nauna na ang dalawa naming kasama. Si Alleiea naman ay naka-maternity leave na. Paglabas ko ng building nakatanggap ako ng tawag mula sa isang unregistered number. Sinagot ko naman ito.

"Hello?"

"Kier... Si Shane ito. Magkita tayo ngayon sa airport. There is something you have to do."

Hindi ko na nagawang magtanong kung bakit dahil bigla niyang binaba ang tawag. Pero boses nga iyon ni Shane. Ano kayang ibig niyang sabihin? Damn! Baka si Valerie.

Nagmadali akong sumakay sa kotse ko at mabilis na nagmaneho papunta sa airport. Pagdating ko doon pumunta ako sa waiting area ng arrivals. Ilang saglit pa, natanaw ko si Shane na naka-sunglasses, at black cap. Kinawayan ko siya at nang makita niya ako nilapitan niya ako agad.

"Shane bakit ka nandito? Ano 'yong sinasabi mo'ng kailangan kong gawin?"

Lumingon si Shane sa likod niya at nakita ko si Valerie na nakatayo sa 'di kalayuan.

"I tried to make her happy. But it seems that the only one who can make her happier is you. I' letting her go and I don't want you to messed it up this time, okay?" sambit ni Shane.

Tila huminto ang mundo ko, hindi ako makapaniwala na nandito siya at bumalik. Para sa akin ba? Dahan dahan ako'ng lumakad palapit sa kanya habang tinititigan ko siya. Ano'ng sasabihin ko? Bakit parang naduduwag ako.

Biglang tumunog ang phone ko kaya't nasira ang moment na dapat paglapit ko kay Valerie. Hindi ko dapat ito papansinin pero ring ng ring kaya sinagot ko na.

"H-Hello sino ito?"

"Sir Kier, si Alleiea po. Please help me manganganak na po ako!"

It's a matter of emergency kaya't nagaalala ako agad, "Alleiea nasaan ka? Can you hold on?"

Tumalikod ako kay Valerie at akma na sanang aalis pero pinigilan ako ni Shane.

"Kakasabi ko na lang na don't messed it up. Where do you think you're going?"

"It's an emergency Shane. A friend of mine is about to deliver her baby," sagot ko.

"Give me that!" Kinuha ni Shane ang phone ko. "Ako na ang tutulong sa kaibigan mo. Go get her."

Pagtingin ko kay Valerie nakatalikod na siya at naglalakad papasok ulit ng arrival area.

"Shane ikaw na ang bahala. This time hindi ko na palalampasin ang pagkakataon," tumakbo ako para habulin si Valerie at nang malapit na ako tinawag ko siya.

Until I'm Over You (Published under LIB)Where stories live. Discover now