CHAPTER 15: Evil Phone

19.1K 599 146
                                    


"Give me my phone back!" Utos sa akin ni Valerie habang umiiyak. Binigay ko ang phone niya at sinubukan ko siyang patahanin.  Hinawakan ko siya sa likod at marahan kong hinimas ang likod niya para pagaanin ang kanyang loob.

Bigla niyang binalik sa akin ang phone niya. Ipinakita niya ang mga picture nila ni Shane na mag kasama. Totoy pa itsura ni Shane, pero siya nga ang nasa picture. Mukha silang masaya at mukha ngang close sila dati ni Shane base sa mga pictures.

"Baka photoshop lang 'to ah," biro ko para subukan siyang patawanin.

Tinignan ako ng masama ng dragon kaya't binawi ko agad, "Joke lang. Sorry na Valeng. Wait here." Tumayo ako at naglakad papunta kay Shane.

"Kier?"  Sinubukan akong tawagin ni Valerie pero hindi ko siya pinansin. Mainit na talaga ulo ko sa lalaking ito. Pinaiyak niya pa sa harap ko ang kaibigan ko.

"Kier? Anong gagawin mo? Please don't!" Pakiusap ni Valerie.

Pero hindi ako nag patinag. Wala akong paki kung sikat ka boy. No one can hurt a friend of mine in front of me and this is the second time.

Lumapit ako kay Shane kahit may nag papa-picture pa sa kanya, "Hoy Tisoy! Naaalala mo pa ba 'to?" at ipinakita ko ang phone ni Valerie.

Tumingin si Shane sa phone, "T-Toothless? Ano'ng meron kay toothless?"

Nagtaka ako sa sinabi niya kaya tinignan ko ang phone. Si Toothless na dragon pala 'yong napakita kong picture, wallpaper ni Valerie.

"Ay wait!" Nilipat ko ang picture sa picture nila ni Valerie at ipinakita ko ulit ito kay Shane.

"Ito! Naaalala mo pa ba?"

Hindi nakapag salita si Shane.

"Kier please tama na!" pakiusap ni Valerie na nasa likod ko na.

"Pre, sumikat ka lang pero tao ka pa rin. Kung makapag sabi ka na hindi mo na kilala si Valerie ay parang wala kayong pinag samahan ah! Ganyan ba  pag sumisikat? Nakakalimot na sa pinanggalingan?" Pag sermon ko.

"Valeng, kung ako sayo hindi ka dapat nag aaksaya ng panahon sa mayabang na 'to!" Dagdag ko pa.

Hindi nakapag salita si Shane, nakatingin lang siya kay Valerie na parang gulat na gulat. Hindi naman tumitingin si Valerie sa kanya.

Maya maya pa ay tumingin sa akin si Shane at bumawi, "Teka? Ikaw 'yong nang gulo sa date ko sa seoul garden noong nakaraan ah. Pati dito gugolohin mo ako? Guard! Paalisin mo nga 'tong lalaking 'to!"

Lumapit sa amin ang bodyguard ni Shane at hinawakan ako.

"Bitawan niyo ko, Sir. I know my rights. I'm not harming anyone here and I know my way out," sambit ko at agad naman bumitaw ang bodyguard ni Shane.

Pinagtinginan kami ng mga tao, ang iba ay mga nagbubulungan at ang iba naman ay naiinis na sa amin at pinapaalis na kami.

"Shane?" Pagtawag ni Valerie. Pero hindi siya pinansin ni Shane. Hinawakan ko ang kamay ni Valerie at hinatak ko na lang siya paalis hangang sa makalabas kami papunta sa likod ng bar.

"Ano ba Kier? Bitawan mo nga ako!" Sambit ni Valerie at hindi niya napigilang maiyak.

Binitawan ko ang kamay niya at humingi ako ng pasensya, "I'm sorry."

"Anong ginawa mo?! Do you think he'll even talk to me pag katapos ng nangyari?!" Galit na tanong niya sa akin.

"I know it was a wrong move. Nag init lang 'yong ulo ko dun sa crush mo. Hindi ko lang din kaya na makita kang umiiyak," paliwanag ko.

Until I'm Over You (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon