CHAPTER 20: The Handkerchief

18.6K 536 156
                                    


(Valerie's Point of View, continuation of 2 years flash back)

Sandaling huminto ako sa pag iyak nang lumapit sa akin ang misteryosang babae. Inabot sa akin ng babae ang isang puting panyo. "Heto oh." Kahit hindi ko pa nakikita ang mukha niya, kinuha ko naman ito dahil basang basa na din ang mukha ko nang dahil sa pag iyak.

"Is it okay if I sit behind you?" Tanong ng babae sa akin. May upuan din kasi sa likod ng inuupuan ko. Tumango na lang ako. Dahil okay lang naman talaga at gamit ko din kasi ang panyo niya.

Nahihiya ako sa kanya dahil hindi ko pa rin matigil ang aking pag iyak kaya tinakpan ko ang mukha ko ng panyo niya.  Nilingon ko siya pero nakatalikod siya sa akin at parang diretso lang ang tingin niya, kaya hindi ko makita ang kanyang mukha. Naka sleeve less dress siya na puti, mahaba ang buhok niya na brown, at ang puti ng kutis niya.

"I know this is a bit strange, but you can tell a stranger your problem. It's like barking at a tree, and I'll make sure you're on the right tree. What happened to you, sis?" Tanong niya. Boses pa lang na parang mahinahon at mahinhin, mapapasagot ka agad sa tanong niya.

Dahil doon parang magaan ang pakiramdam ko sa kanya. Parang ang bait bait niya kasi. She offered me her handkerchief kahit hindi niya ako kilala, and now she's sitting behind me offering to be a friendly ear.  Kaya't ikinuwento ko sa kanya ang lahat ng pangyayari. Mula sa pagiging close namin ni Shane na parang mag kasintahan na, hangang sa biglaang hindi niya pag paparamdam, at ang mga chismis sa bar.

Hindi ka agad siya nakasagot pagkatapos kong mag kwento, pero ilang saglit pa, "Mukhang mahirap nga 'yan, sis. Pero hindi ka dapat agad naniniwala sa sinasabi ng iba, unless you have a proof." 

Sa puntong ito, nakalingon na ako sa kanya pero hindi siya humaharap sa akin.

"Better wait for him to tell you the real reason. Then it's up to you kung tatanggapin mo ang rason niya o hindi," dagdag pa niya.

"Eh paano kung hindi niya na sabihin sa akin?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit naman?" Pabalik niyang tanong.

"Kasi hindi na siya nag paparamdam. It feels like he forgot about me. Parang dahil sa pangarap niya, tinalikuran niya na ako." Sa tuwing sinasabi ko iyon kumikirot banda sa may puso ko.

"Hmm... Maybe someday malaman mo rin ang mga sagot sa tanong mo, but for now think of the people who loves you, 'yong mga taong laging nandiyan para sayo, sila ang kuhaan mo ng lakas. Kaya mo yan sis. Fight!"

Tila may kakaibang kapangyarihan ang sinabi niya, dahil unti unting gumaan ang aking pakiramdam. Tama siya. This is not the end. Nandiyan pa si Papa para sa akin, nandiyan pa ang mga kaibigan at kasama ko sa bar.

"Thank you. Naranasan mo na din ba ang makalimutan or ma-ignore?" Sa gaan ng pakiramdam ko sa kanya parang gusto ko siyang maging ka-close.

Natawa siya ng konti sa tanong ko. Pati pagtawa niya ang cute parang 'di makabasag pingan 'tong si Ateng.

"Sorry if I laughed. Naalala ko lang kasi 'yong pick up line ng boy friend ko about sa pag ignore ng friend request eh," paliwanag niya sabay tawa ulit.

,Tumigil siya sa pagtawa at naging siryoso muli, "Anyway, minsan nag tatampo ako sa boyfriend ko kapag hindi niya ako pinapansin. May mga oras kasi na kailangang niya mag focus sa pag aaral, tapos ako naman madaming free time, kaya 'yon tampo, tapos mag papabebe na lang ako sa kanya pag may time na siya sa akin."

"Pabebe talaga, sis?" Tanong ko sabay tawa. Atleast nakuha kong tumawa kahit kaonti.

"Oo effective sa kanya eh," sagot niya at nag tawanan kami na para bang saglit kong nakalimutan ang ginawa sa akin ni Shane.

Until I'm Over You (Published under LIB)Where stories live. Discover now