CHAPTER 42: Jana's Face

13.8K 411 57
                                    

Balik opisina na ako. Nadagdagan na rin ang mga kasama ko rito bukod kay Alleiea. Kumuha na ako ng guard, assistant attorney, isa pa'ng secretary para mapaghandaan kapag mag le-leave na si Alleiea for maternity. Though matagal pa, kailangan ready. Si Valerie naman ay balik sa pagiging member ng Four Maidens, madalas ko siyang panoorin sa internet. Si Shane rin ay balik sa pagiging pop star at artista dahil parehas sila ni Valerie na commited sa kontratang pinirmahan nila noon. Minsan naiisip ko baka mas madalas silang magkasama doon dahil parehas sila ng network, nagseselos ako pag gano'n. Parang lumalalim na yata nararamdaman ko kay Valerie. 

Kakatapos ko lang ng mga gawain ko sa opisina nang biglang mag send ng message sa phone ko si Valerie.

Valerie: Hey puppy! Kamusta na? Dito kami sa studio 24. Live kami mamaya. Punta daw si Shane dito after ng show.

Me: Oh ano naman?

Valerie: Wala lang. Busy ka?

Me: Busy na nag chat ka e.

Valerie: Ah gano'n? Date daw kami ni Shane mamaya.

Me: Ok

Valerie: Okay

Hindi ko maipaliwanag pero parang gusto ko siyang makita ngayon. Naiinis ako at hindi ko alam kung bakit. Hindi ako mapakali dito sa desk ko. Nagseselos ba ako?

Badtrip! Kainis talaga 'tong dragon na 'to.

Tinawag ko ang aking secretary para magbilin. "Alleiea! Paki-cancel naman mga appointment ko ngayon oh. May pupuntahan lang ako."

"Eh sir Kier importante po 'yong next meeting niyo," sagot ni Alleiea.

"Alleiea, you don't understand. This is a priority. So ikaw na bahala a. Aalis na ako."

Paalis na sana ako nang bigla akong may maalala, "Oo nga pala Alleiea, can you set an appointment for me at kay NBI Agent Mia? Not sure about her last name e, but I know you can search her. Siya 'yong nagligtas sa'min ni Valerie kay Andrew. Gusto ko lang siyang pasalamatan."

"Sige po, sir Kier. Paki pirmahan nga po pala..."

"I gotta go, Alleiea. Bukas na lang 'yan."

"Sir Kier wait..."

Hindi ko na pinansinsi Alleiea at nagmadali akong lumabas ng opisina. Sumakay ako sa aking kotse at mabilis na nagmaneho.

Naisip ko rin na dumaan sa isang flower shop para bumili ng bouquet of roses.

Wala lang naisipan ko lang. Ewan talaga! Ang lakas talaga ng epekto ng sinabi niya na pupuntahan siya ni Shane. Parang may kung ano sa loob ko na nag sasabing dapat ako ang kasama niya.

Gusto ko na ba siya? Siguro? Baka? Hindi? Oo? Ewan ko! Ang alam ko lang dapat kasama ko siya ngayon.

Dumating ako sa studio 24, naabutan kong nag pe-perform sila Valerie pero patapos na.

Pagkatapos ng kanilang performance, nagpaalam sila sa kanilang mga fans at dumiretso sa backstage.

Agad naman akong pumunta doon pero hindi ako pinapasok ng mga bouncers kaya tinext ko si Valerie.

Me: Hey Dragon! Nandito ako sa studio 24. Ayaw ako papasukin ng bouncer niyo sa backstage eh.

Valerie: OMG! Sige papunta na ako diyan. Wait lang.

Habang naghihintay kay Valerie, itinago ko sa likod ko ang bouquet na dala dala ko. Ilang saglit pa ay lumabas si Valerie mula sa backstage at pinuntahan niya ako.

Until I'm Over You (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon