CHAPTER 16: Valerie's Past part 1

22.4K 566 111
                                    


Habang binabasa ko ang diary ni Valerie, napapangiti ako. Hindi ko alam kung bakit. Tila may kakaibang pwersa, parang nabubuhay ang mga cells ko. Anyway her diary goes like this...


Dear Mobile Diary,

Today I met and I think made a new friend. His name was Kier Pangit de Leon. Pasahero siya ni Papa , isang Law student, at lagi siyang nagpapasundo sa Taxi namin. Kaya lang itong araw na 'to, may sakit si Papa kaya ako ang nag volunteer na sunduin si Kier. Akalain mo 'yon, siya pala 'yong pangit na mayabang na may-ari sa cute na aso na si Pogi sa airport. Ewan ko ba, pero pag nakikita ko siya parang lagi akong may urge na lagi siyang asarin. Ang pikon niya kasi eh. Pero mukhang mabait naman siya. Kaya lang ayaw niya sa K-Pop kaya ayaw ko na din sa kanya. Ang dami nangyari ngayong araw, hindi ko ma-explain pero parang ang haba ng araw na ito kasama siya. Una dahil masyado siyang mapilit mag shortcut, naligaw tuloy kami.  Napag tripan pa kami ng mga lasing sa isang tindahan, buti nalang malakas ako. Tapos ayon doble malas, nasira naman ang taxi sa isang madamong lugar na parang malayo pa sa isang bayan. Inis na inis siya sa akin at sa mga nangyari, pero nag e-enjoy ako pag naasar siya. Dahil malapit na siyang ma-late, minabuti kong paunahin na siya. That time, mukhang sobrang napikon ko siya kasi hindi niya ko pinansin nang umalis siya. Sumobra yata ako. Sorry naman.

Akala ko gagabihin ako sa lugar na  'yon. Nagulat ako nang bumalik siya na may kasamang mga mekaniko. Alam niyang late na siya pero bumalik siya para sa akin. In fairness diary, gentleman naman pala siya kahit papaano. Tapos sabi pa niya hindi niya ko kayang iwan mag isa sa lugar na iyon. Hindi ko ma-explain, pero parang kinilig ako nang bumalik siya at nang sinabi niya sa akin 'yon.  Nakakatuwa siya, I think we will be good friends. Kaso ang loko, hindi nag bayad sa akin bago umalis. Kinailangan ko pa tuloy sunduin siya sa school niya. Ngayon ko lang na-realize pwede ko naman siya singilin sa ibang araw pero hindi ko alam kung bakit mas pinili kong hintayin siya lumabas ng school. Pero ang nakakainis doon pag labas niya, naiwan pa pala niya ang wallet niya. Pero para siyang si batman ah, may contingency plan. Binigyan niya ko ng Free dining coupons sa Seoul Garden at kumain kami doon. Busog na busog ako, ang sarap talaga ng Korean food. The best!

Pagkatapos ng doble malas, sinwerte naman ako sa free Korean food. Meron pa diary, nakita ko si Shane Moreno sa Seoul Garden. Gusto kong mapatili sa tuwa kaya lang maraming tao. Grabe ang gwapo niya pa rin talaga. Kaya lang may date pala siya sa ibang babae ng araw na iyon. Pero to the rescue si new friend Kier, akala niya talaga boyfriend ko si Shane. Uto uto talaga. Kaya sinugod niya si Shane pati 'yong babae. Tapos ayon, akala tuloy ng babae may girlfriend talaga si Shane kaya agad siyang umalis. Very good kasi sa akin lang si Shane. Kaso nagalit sa amin si Shane, alam kong kasalanan ko pero natuwa ako sa tapang ni Kier. Una nainis ako kay Kier kaya sinubukan kong habulin si Shane nang umalis siya ng restaurant. Pero habang nag lalakad. Natatawa ako na natutuwa, para akong tanga na ngumingiti mag isa. Hindi ko alam kung dahil ba nakita ko si Shane or dahil sa ginawa ni Kier na pag tatanggol sa akin. Basta ang saya saya ko ngayong araw na ito. Dahil memorable ang araw na ito, itinago ko ang binigay ni Kier na Dining Coupons. Sa tuwing makikita ko ang mga coupons lagi kong naaalala si Kier. Hindi ko alam kung bakit, alam kong dapat mas naaalala ko si Shane pero sa'yo lang ako hindi magsisinungaling, diary. Naiinis ako kay Kier pero hindi siya mawala sa isip ko.

Tapos, pauwi na sana ako nang makita ko si Pangit na nag aabang ng taxi pero wala namang pera. Patawa talaga, paano kaya niya babayaran ang Taxi. Naawa ako kaya sinabay ko na, hinatid ko pa siya sa kanila. Ang bait ko talaga. Ewan ko kung bakit, but I think I enjoy being with him. Tawa ako nang tawa pag kasama siya. Tapos, dahil sa pag tawag tawag niya sa akin ng Dragon, parang gusto ko na tuloy ang mga dragon.

Ako ang pinaka cute na dragon parang si Toothless. Huwag ka kokontra Diary bubugahan kita ng apoy.

Ang masasabi ko lang Diary, mukhang magiging mabuti kaming mag kaibigan. Ang swerte ni Jana sa kanya.

Until I'm Over You (Published under LIB)Место, где живут истории. Откройте их для себя