CHAPTER 45: Wrong Expecations

12.5K 416 94
                                    

I drove my car to get to our meeting place. Ano kaya trip nito ni Valeng? Ang layo pa naman ng MOA Seaside. Matapos ang ilang minuto o oras yata na pagmamaneho, nakarating ako sa meeting place namin.

Nauna ako, dahil mukhang wala pa siya dito. Agad akong nag message sa kanya para sabihin na nandito na ako.

Me: Valeng. Saan ka na? Dito na ko.

Valerie: Bilis mo ah. Teka maliligo na ko.

Me: What?! Maliligo ka pa lang?! Akala ko ba 3PM tayo magkikita.

Valerie: Hahahaha sorry na.

Me: Pinag ti-tripan mo lang ba ako?

Valerie: LOL

Me: Hanep ka talagang Dragon ka. Yari ka sa'kin sa susunod. Uuwi na ako.

Velerie: Sige uwi ka na. Hahaha

Lokong dragon 'to! Lakas talaga ng trip. May araw din sa akin 'yon.
Agad akong bumalik sa kotse ko at nagmaneho pauwi. Habang bumabyahe naisipan kong tawagan si Mia. Baka free time na siya.
I used my bluetooth earpiece to call her while driving.

"Hi Mia! Will you be free tonight or later in a bit?"

"Hello Kier, I'm sorry nasa field ako ngayon. Baka bukas pa ako or next week maging free. But I'll call you later," sagot ni Mia.

"Its fine, Mia. I just checked kung ayos ka lang. Mag iingat ka diyan a."

"Sweet! Don't worry. Take good care. See you again soon. Bye."

"Bye."

Napabuntong hininga na lang ako. Malas naman na araw na ito. Pinagtripan na nga ng dragon, wala pa si Mia. Makauwi na nga lang.

Matapos ang mahabang biyahe, pakiramdam ko napagod ako. Ipinasok ko sa garahe ko ang aking kotse, lumabas ako ng kotse, at pumasok ng bahay.

Ngunit pag pasok ko...

"SURPRISE!"

Bigla akong sinalubong ng yakap ni Valerie sa leeg.

"Valerie? Ano'ng ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok dito sa bahay?"

"Wala napadaan lang ako. Inutusan lang ako bumili ng suka ni Papa," sagot ni Valerie.

Nagtaka naman ako sa sinagot niya. "Huh?"

"Joke lang! Siyempre! Nandito para makita ka. Ikaw lang wala ng iba," sambit niya ulit.

Napangiti naman ako. Bumitaw siya sa pag-yakap.

"Teka sandali. Pupunta ka rin pala dito, bakit mo pa ako pinapunta ng MOA?" Tanong ko.

"Nasa plano na talaga 'yon. Kasi mag luluto pa ako tsaka para ma-supresa talaga kita. Tapos matagal ko nang pina-duplicate 'yong susi mo para pag gusto kitang surpresahin katulad nito, hindi mo malalaman," paliwanag ni Valerie.

Nasurpresa naman talaga ako. Iba 'tong dragon na 'to a. Didn't see that coming. Pero teka saglit. Sabi niya luto niya? Patay na... R.I.P. to me.

"Y-you mean nag luto ka?"

"Oo heto oh." Dinala ako ni Valerie sa dining room at tumambad sa akin ang maraming mga pagkain katulad ng dragon carbonara, dragon roasted chicken, chocolate dragon cake, lumpiang dragon, at kung ano ano pang dragon recipe. Parang pang fiesta pa yata ang hinanda niya. Ang dami!

Napalagok ako. "A-ang dami naman. May mga bisita ba tayo mamaya?"

"Nope. It's just you and me. Gusto mo nang kumain?"

Until I'm Over You (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon