CHAPTER 33: Realization

6.9K 175 20
                                    

Alleiea's point of view

Nakaka-disappoint, bagay na bagay si sir Kier at 'yong babaeng nasa picture na 'to. Pero okay lang, a tleast nahanap nila ang isa't isa. Kasi parang perfect together sila e. Pwede silang bida sa mga asian drama. Siguro sign na rin 'to kay Lord na tigilan ko talaga 'yong mga crush crush. Focus talaga dapat sa work.

"Isn't she lovely?"

"Ay asong baliw!" Nagulat ako nang marinig ko si sir Kier sa likod ko at mabilis ko'ng ibinalik ang picture sa desk niya. Mabuti na lang at hindi ko nahulog.

Tumingin ako sa kanya at humingi ng sorry, "s-sorry po, sir Kier. Na-curious lang po ako."

Tumawa ng kaonti si sir Kier. "Okay lang." Umupo siya ulit sa upuan niya at inayos ang litratong pinakialaman ko kanina. Habang ginagawa niya 'yon napatitig siya dito at nagbago ang pinta ng kanyang mukha, para ba'ng bigla siyang nalungkot at tila ba naramdaman ko ang biglang pagbabago ng aura niya.

"Where were we?" Tanong niya.

Bigla na naman ako'ng hindi makatingin sa kanya. Nakakahiya kasi talaga 'yong ginawa ko, sana 'di niya isipin na pakialamera ako. Very very light naman e.

"Uhmm... Tapos na po, sir Kier. Pero i-che-check ko po kung ano pa 'yong mga dapat nating bilhin para dito sa office."

"That's right. Tara let's make a list then punta tayo sa mall para bilhin ang mga kulang," tumayo si sir Kier at sumunod naman ako. Oras na para magpakitang gilas.

Naisip ko'ng pumunta sa desk ko para tignan kung may magagamit ako doon na paper at pen. Hindi nga ako nagkamali, kumpleto ang mga gamit ko na pa'ng secretary dito sa desk ko. Kumpleto ang papers, ledgers, pens, at kung ano-ano pa'ng gamit sa opisina. Tapos may tablet pa at laptop. Bongga a! Sa akin ba ang mga ito?

"Do you like your secretarial tools?" Dinig ko'ng sambit ni sir Kier. Mukhang napansin niyang napatitig ako sa mga gamit na nasa desk ko. And did he say my secretarial tools?

"S-Sir Kier, do you mean... these are all..."

"Yours!" Nakangiti niyang tinapos ang sasabihin ko. Lumapit siya sa akin at kinuha niya ang tablet, "Use this one to list down what we need." Inabot ko naman ito at tumango.

"Tapos itong laptop, you can take it home if you want. Kung sakaling may mga trabaho ka'ng dapat tapusin after office hours doon na lang sa bahay niyo para 'di ka gabihin," dagdag pa niya.

"Wow!" Napahawak ako sa aking bibig at nanlaki ang mga mata ko. Nasurpresa ako sa mga perks ko, "Thank you, sir Kier!"

Thankful talaga ako sa tiwalang binibigay niya kahit two days pa lang kaming nagkakakilala. Parang gusto ko'ng yakapin si sir Kier dahil sa saya. Pero not professional kaya hindi dapat. I'll do my best na lang bilang ganti sa mga kabaitan niya kaya work nang very very hard, Alleiea!

In-open ko ang tablet at sinimulan ko'ng ilista ang mga gamit na wala sa opisina katulad ng coffee maker, snacks, sofa para sa mga clients na waiting, nag-suggest din ako ng mga halaman at paintings sa wall para mas maging stylish at professional ang dating ng office, at iba pa'ng mga kailangan. Sa tuwing nag sa-suggest ako ng mga decorations, napapatingin sa akin si sir Kier habang nakangiti. Nakakahiya pero baka natutuwa siya sa trabaho ko. Kaya mas ginaganahan ako.

"Wow! Hindi ko alam na marami pa pala tayong kulang. Thank you, Alleiea," sambit ni sir Kier. Tumingin siya sa paligid at nakita ko'ng bigla siyang napa-buntong hininga, bakit kaya? Hindi kaya sumobra ako sa mga nilista? Hala baka masyado ng magastos.

"S-Sir Kier, may problema po ba? Gusto niyo po ba na bawasan ko ang mga nilista ko?"

Ngumiti siya at umiling, "No, no, no. That was nothing. May naalala lang ako. Tara na at mag mall na tayo. We have to be here after lunch."

Until I'm Over You (Published under LIB)Where stories live. Discover now