CHAPTER 35: Debut

13.9K 484 200
                                    

Valerie's Point of View, flashback - 6 months ago

Natulala ako sa nangyari. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Para akong kinakabahan na ewan.

"Bessy, sa tingin ko dapat na nga tayong umalis dito. Kinakabahan ako e. Parang may gustong sabihin si Shane na hindi niya masabi at parang takot siya sa pwedeng mangyari," sambit ko kay Mingay.

"Oo nga girl! Mukhang may tinatago baga itong si papa Shane. Pero dapat magpaliwanag na siya this time a! Apat na taon na nakakalipas ngayon lang niya sasabihin na pinoprotektahan ka niya?! Ay huwag ako bessy! Dapat isang libro baga ang paliwanag niya!" Galit na sagot ni Mingay.

"Easy lang bessy! Ikaw yata ang Dragon sa atin e," sambit ko at nagtawanan kami saglit.

Umalis kami ng studio ngunit paglabas namin, biglang may pumaradang itim na kotse sa harap namin. Bumakas ang pinto at lumabas ang isang babae.

"Ms. Valerie? Valerie Magtalas right?" Tanong ng babae sa akin.

"Ah yes? S-sino po sila?"

"Hi! I'm Ms. Angelica Giron, I am a talent manager. Just call me Ms. Ange," nakangiting sambit ng babae at nakipagkamay siya sa akin.

"Hello po. Siya naman po si Mingay, kaibigan ko," pagpapakilala ko kay Mingay.

Nginitian niya si Mingay at muli akong kinausap, "I saw your performance earlier and I would like to offer you a job. Can we talk at a nearest coffee shop?"

Mukha namang mabait si Ms. Ange kaya sumama kami agad sa kanya ni Mingay, tsaka sayang ang libreng coffee.

Pagdating namin sa coffee shop at pagkatapos namin mag-order. Muli kaming kinausap ni Ms. Ange.

"I'm actually forming a group of extraordinary singers' para makabuo ng isang all female pop group, and..."

Biglang sumingit si Mingay sa usapan, "Ay alam ko baga 'yan Ma'am! Kung baga lahat ng magagaling magsasama sama... Avengers 'yan!"

Napakunot na lang ng noo si Ms. Ange.

Sinanggi ko si Mingay para tumahimik muna. Binulongan ko rin siya. "Bessy, quiet ka muna baka magalit itong si Ms. Ange. Sayang, baka ito na ang big break ko."

"Sorry girl baka kasi ito 'yong sinasabi ni Shane na panganib e. Naninigurado lang," pabulong na sagot ni Mingay.

"Ako na bahala, bessy."

Muli ko'ng kinausap si Ms. Ange, "pasensya na po kayo sa bestfriend ko, Ms. Ange. Palabiro lang po talaga ito. So ano po 'yong tungkol sa female pop group?"

"Oh yes! So I saw your performance earlier. I was really amaze on how you sing and dance, then I come up with an idea to invite you to work with me as the last member of the all-female pop group na binubuo ko. I promise you, this will be a big one. You'll get to perform on your own concerts, launch your own album, and many more. Sana mapa-unlakan mo ang paanyaya ko," sagot ni Ms. Ange at uminom siya ng kape.

Napaisip ako. Gusto ko pa naman ito. Parang magiging K-Pop idol ako, parang 'yong idol ko na k-pop group, 'yong Black Pink.

Kaso iniisip ko rin 'yong sinabi ni Shane. Sabi niya hindi ako pwedeng sumikat or mapunta sa show business. Pero bakit? Kainis! Hindi pa kasi in-explain e.

"Nakakahiya naman po Ms. Ange. I mean hindi pa naman po ako gano'n ka galing."

"Well, you'll receive the greatest training of your life kapag sumali ka." Kumpyansa magsalita si Ms. Ange.

"A... e... Ms. Ange, pwede po ba'ng mag usap lang muna kami ni Mingay bago po ako sumagot sa offer niyo?" Tanong ko.

"Sure hija, go ahead," Ngumisi si Ms. Ange.

Until I'm Over You (Published under LIB)Where stories live. Discover now