CHAPTER 46: In Someone Else's Arms

11.6K 360 70
                                    

Kier's point of view

Kinakabahan ako. Sana okay lang si Mia.

Mabilis kong pinatakbo ang kotse ko papunta sa kinaroroonan ni Mia. Apparently, she's trapped somewhere. Naka-undercover daw pala siya ngayon at hindi siya makalabas sa isang casino.

Pagkatapos ng ilang minutong biyahe, narating ko ang casino kung nasaan si Mia. Agad akong pumasok sa loob at hinanap siya.

Nakita ko siyang pinalilibutan ng mga Indianong lalaki. Ano man ang nangyayari, kailangan niya ako.

Nakita ako ni Mia na papalapit sa kanya kaya kinawayan niya ako.
"Honey! I'm here!"  Sambit ni Mia, kaya sumingit ako sa gitna ng mga indianong amoy curry powder.

Paglapit ko sa harap ni Mia. Nagulat ako nang bigla niya akong hinawakan sa batok at agad niya akong hinalikan sa labi.

Napahawak din ako sa kanyang batok at bumawi ng halik. Napakalambot ng labi niya at ang galing niyang humalik. Pagkatapos ng limang segundo naming halikan, inilayo niya ang kanyang labi.

"Sorry boys. My husband is here now."

Taas noo ko naman inangasan ang mga indianong nakapalibot sa amin.

"We gotta go, honey," sambit ko kay Mia.

Nagmadali kaming lumabas ng casino at sumakay sa kotse ko.

"That was close.  Buti na lang dumating ka. Salamat, Kier. Sorry sa biglaang kiss a."

"I-Its okay. Nagulat lang ako. Ano ba nangyari?"

"I was undercover and spying on some drug lord. Tapos bigla akong pinalibutan ng mga lalaking 'yon. Ayaw nila maniwala na may asawa na ako. Mga manyakis talaga," sagot ni Mia. "Buti nga na-gets mo agad eh."

"Oo naman. Pero loko 'yong mga 'yon a. Sinaktan ka ba nila or hinawakan ka ba?" Nagaalala kong tanong.

"Hindi naman. Don't worry. Kasama talaga 'to sa trabaho ko."

Nag-unat si Mia ng katawan niya. Ngayon ko lang napansin ang suot niyang damit. Its a long red dress na kita ang kaliwang legs niya, sleeve less ito at medyo kita ang cleavage.

"You look beautiful tonight. Bagay sayo ang suot mo," sambit ko.

"Thank you." Ngumiti siya. "Hindi ko nga dapat susuotin ito e. Kung 'di lang kailangan."

"E bakit nga ba ganyan suot mo? Nabastos ka tuloy."

"I have to get the target's attention. Para makakuha ako ng inpormasyon sa kaso na hinahawakan ko." Muli siyang nag unat. "I guess nakakuha na ako ng sapat na info. I wanna call it a night. Pwede mo ba akong ihatid, Kier?"

"Amm.. S-sure. Saan ba?"

Itinuro ni Mia kung saan siya nakatira.

Matapos ang biyahe namin, nakarating kami sa bahay niya. Simple lang ang bahay ni Mia. Kulay yellow at white ito at maraming tanim na halaman. Dalawang palapag ito at may malaking gate na kulay dilaw. Mukhang paborito niyang kulay ang yellow.

"Nice house. Paborito mo ba ang yellow?" Tanong ko.

"Yep. Yellow and white. Pasok ka muna sa loob."

Pumasok kami sa loob ng bahay niya. Malinis ang bahay niya na parang hindi nagagalaw ang mga gamit niya. May mga pictures siya ng family niya at may mga painting din sa dingding.

Pinagmasdan ko ang isa sa mga painting niya, "Ikaw ba gumawa nitong mga paintings? Ang ganda a." Ang nasa litrato ay isang Anghel na bumaba sa lupa mula sa langit. Napakaamo ng mukha nito at malinis ang pagkakagawa.

Until I'm Over You (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon