CHAPTER 11: Her boyfriend?

24.2K 642 172
                                    


"Valeng? Ano'ng ginagawa mo dito?"

"Ang tagal mong lumabas, pangit!" sagot niya.

"Teka malay ko bang hinihintay mo ko. Bakit ba?"

Sumenyas siya ng pag hingi at sumagot, "Bayad mo? Hindi ka kaya nag bayad kanina, tatakbuhan mo pa ko ah."

Hala kaya pala! Hindi pala ako nag bayad sa kanya kanina. How could I forgot about it?

"Ay sorry, nawala sa isip ko." Sagot ko at hinanap ko ang wallet ko.

Kinapkap ko sa bulsa at hinanap ko sa bag, pero wala akong nakita. Mukhang kaka-madali kanina, naiwan ko pa yata ang wallet ko.

"Sorry Valeng, pwede bang ilista mo muna o 'di kaya ihatid mo ko sa bahay ulit para mabigay ko sayo 'yong bayad," sambit ko.

Tinaasan niya lang ako ng kilay.

Bigla kong naalala may free coupons nga pala ako sa isang Korean Restaurant, bigay sa akin ng isa sa mga professor ko for getting high marks.  Ang galing ko 'no? Siguro okay na muna itong pambayad.

"Sorry talaga. Naiwan ko yata sa bahay 'yong wallet ko eh," nilabas ko ang dalawang dining coupons at iniabot ito sa kanya. "Pwede na ba 'to?" 

"Ano yan?" tanong niya.

"Coupons or Gift certificate. Good for two na yan, mas mahal pa yata 'yan sa bill ng taxi ko kanina eh."

Ipinakita ko sa kanya ang nilalaman ng coupons. "Free dinner ito sa Seoul Garden? Meron yata diyan sa malapit na mall. Hindi ko nga lang alam kung anong klaseng restaurant yan."

Biglang tila nag ningning ang mga mata niya at na-excite siya, "Wow! Sige pwedeng pwede na 'yan. Taga bundok ka talaga! Korean Restaurant yan!"

Para siyang bata na tuwang tuwa sa Korean Coupon na 'yon.

"Yehey!"

Kinuha niya sa akin ang coupons at agad niyang inilagay sa bulsa niya.

"Quits na tayo ah. Pwede niyo gamitin 'yan ng boyfriend mo," sambit ko.

Nakapag tataka na biglang tumahimik si Valerie at nawala ang ngiti sa kanyang mukha.

"Uhm... may pasok ka ba bukas?" tanong niya.

"Wala naman. Bakit mo na-tanong?" Sagot ko.

"Tayo nalang gumamit nitong coupon. Pasalamat ko na rin sa pag balik mo kanina," sambit ni Valerie.

Nagulat ako sa pag-aya niya sa akin. Bakit naman kaya ako naisipan ayain ng dragon na 'to?

Nag check ako ng phone para tignan kung may message si Jana. Pero till now wala pa rin. Nag chat ako sa kanya para alam niya kung nasaan ako.

Me:  Jana my love, kakain lang ako with a new friend, her name is Valerie. Anak siya ni kuya Gilbert, naiwan ko kasi 'yong wallet ko at wala akong pambayad ng taxi niya. Siya kasi nag maneho ng taxi. Buti na lang may free dining coupons ako. Wish you were here. Hope to chat with you later. I miss you.

Nag hintay ako ng konti pero hindi pa rin online si Jana. Hindi naman kami mag de-date ni Valeng tsaka hindi naman immature si Jana, kaya okay lang siguro na samahan ko si Valeng.

"Ano na your honor? Gutom na ko."

"Huwag ka mag alala hindi ito date no, puputi muna ang uwak bago kita i-date. Gusto ko lang kumain, tsaka mukhang dapat sabay gagamitin ang coupons na ito. Hindi pwedeng isa lang. Sayang naman pag hindi nagamit 'yong isa," dagdag pa niya dahil nakasulat nga sa coupons na single purchase lang na dapat sabay ang dalawang coupons na gamitin.

Until I'm Over You (Published under LIB)Where stories live. Discover now