CHAPTER 12: Troublemaker

22.5K 671 157
                                    


"What the hell are you talking about?!" Gulat na gulat na sambit ni Shane. Maging ang kasama niyang babae ay tila 'di rin makapaniwala sa aking sinabi.

Bigla sinampal ng kasama niyang babae si Shane, "I was told na playboy ka Shane, pero hindi ako naniwala! You've just prove them right!" At nagmamadali itong umalis.

Lumapit si Valerie sa 'kin at nag tago sa likod ko.

"Look what you've done, dude?! Sino ka ba? Sino ba 'yang sinasabi mo? Wala akong girlfriend and that was my date you ruined!"  Sigaw ni Shane sa akin.

Tinuro ko naman si Valerie na nag tatago sa likod ko, "Heto oh. Nandito sa likod ko. Sabi niya boyfriend ka niya eh."

Sinilip niya si Valerie sa likod ko at base sa expression ng mukha niya, tila hindi niya nga kilala si Valerie. Pilit namang itinago ni Valerie ang mukha niya.

Inis na inis na umalis si Shane at narinig ko siyang napabulong na lang, "Geez, what's wrong with these people?"

Pag alis ni Shane, sinipa ako ni Valerie sa tuhod at napatalon ako sa sakit. "Aray! Aray! Bakit?"

"Nakakainis ka talagang pangit ka! Bakit mo ginawa 'yon?" tanong niya sa akin.

"Teka lang, sabi mo kasi boyfriend mo siya eh at may kasama siyang iba. I was doing you a favor. Malay ko bang imaginary boyfriend mo lang pala," paliwanag ko.

Bigla naman niyang tinapakan ang paa ko. "Aray! Ano bang problema mo?"

Padabog siyang lumabas ng restaurant at bakas sa mukha niya na inis na inis siya. Tapos nag tanong ako sa waitress kung okay na ang lahat, buti nalang at walang kaming left overs kaya nakalabas ako agad.

Sinubukan kong habulin si Valerie, ngunit pag labas ko wala na siya sa paligid. Hindi ko na siya agad makita. Lumipad na yata ang dragon. Bakit kaya nagalit sa 'kin 'yon? Siya naman may kasalanan eh. Sana sinabi niya na imaginary boyfriend niya pala 'yong Shane, hindi ko sana nasira 'yong date nung tao.

Sino nga ba 'yong Shane Moreno na 'yon? Parang narinig ko na pangalan niya dati. Makauwi na nga lang, malaki naman na 'yong babaeng 'yon at may taxi pa siya.

Palabas na ko ng mall nang maalala kong wala nga pala akong dalang pera.

Anak ng Kimchi!

Nagmadali akong pumunta ng parking lot, baka sakaling nandoon pa si Valerie. Ngunit pag dating ko, wala na ang taxi ni kuya Gilbert sa paligid. Patay! Mukhang maglalakad pa yata ako.

Naisip ko na tatawag na lang ako ng ibang taxi, tapos pag hihintayin ko na lang sa labas ng apartment para kunin ang pera ko at makapag bayad ako.

Agad akong pumunta sa taxi bay area ng mall. Sobrang haba ng pila pero wala akong choice.

Tinignan ko ang phone ko para i-check kung may message na si Jana pero wala pa rin. Nag type ako ng message sa kanya.

My love, bakit kahit isang message wala? Alam kong busy ka. Pero sana naman makahanap ka ng time sa akin. Kahit konti alam kong pwede ka naman mag message sa akin. Gusto ko lang naman malaman kung kamusta ka.

I was about to hit the send button to send it to her, but I deleted it and send this instead...

Me: I miss you my love.

Naisip ko... Paano kaya kung walang delete button or hindi pwedeng burahin kung ano man ang naisulat mo na? Siguro lahat ng tao alam kung ano talaga ang saloobin ng kausap nila. Minsan kasi, what we really feel or mean is the first message that we typed until we delete it and change it to something else. Haays... kung ano ano naiisip ko. Dala na lang siguro ng pangungulila ko kay Jana.

Until I'm Over You (Published under LIB)Where stories live. Discover now