CHAPTER 4: The Past part 3

33.2K 940 181
                                    


PRESENT TIME

Ang haba ng daydream ko, nawala sa isip ko na ka-chat ko nga pala si Jana sa phone...

Jana: Kier?

Jana: My love?

Jana: Kier?

Jana: Aba! sini-seen mo lang messages ko ah!

Jana: Kiiieeerrrr!!!

Me: My loves, sorry natulala lang bigla.

Jana: K

Me: My love naman. Sorry na oh. Naalala ko lang kasi 'yong una tayong nagkita tsaka 'yong first date natin.

Jana: Okay lang po. Nag worry lang.

Jana: Talaga? Sarap alalahanin 'no. Tatawag ako sayo.

Me: Sige, sakto gusto ko talaga marinig 'yong cute mong boses.

Tumawag sa akin si Jana at napag kwentuhan namin ang  tungkol sa aming nakaraan na sobrang sarap talagang balik balikan.

Flashback continuation -- 2 years ago.

Nagising ako nang maaga dahil kailangan ko planohin kung paano ang gagawin ko sa first date namin. Ganito pala ang pakiramdam pag 'yong babaeng ide-date mo eh 'yong babaeng sa una pa lang ayaw mo nang mag kamali ka. Siya 'yong tipong dapat ma-impress agad sa akin. At siyempre ang bigat ng karibal kong si Mr. Price Tag, kaya dapat matindi talaga itong first date namin.

Naghanap ako sa internet ng malapit na fine dining restaurant at nag pa reserve ako ng table. I think that will be the best way to impress her kahit hindi ko way ang man libre sa gano'n kamahal na lugar. Mga bandang 4 o'clock ang date namin at sa park muna kami magkikita.

Excited na ko, kaya 2 o'clock pa lang naka-ligo na ko. Nagbihis na rin ako at nag ayos ng aking sarili. I wore a blazer on top of my white t-shirt, jeans and a pair of white sneakers. Kinakabahan talaga ako. Nag rehearse ako sa harap ng salamin kung ano at paano ko siya babatiin mamaya, kahit alam kong ang vain ng ginagawa ko. Kabado eh.

Hinawi ko ang buhok ko habang nakaharap sa salamin at nag practice, "Hi Jana. Ang ganda mo ngayon ah."

"Mali baka sabihin niya ngayon lang siya maganda," sambit ko habang naka-harap pa rin sa salamin.

Si Pogi nanonood lang sa akin. Kung nag sasalita lang talaga si Pogi, malamang tawa na siya ng tawa sa ginagawa ko. Buti nalang hindi, kaya nag practice ulit ako.

Yumuko ako at dahan dahang  tumingin ulit sa salamin, "Hi Jana, kasing ganda pala ng mga bituin ang mga mata mo."

"Teka ang baduy. Ano ba ginagawa ko?" tanong ko sa sarili ko.

Tumahol si pogi habang pinapanood ako.

"Oo na! Vain na kung vain. Ang hirap eh. Ang ganda kasi ni Jana," sambit ko kay Pogi. Napabuntong hininga ako, "Bahala na si Batman!"

I've spent the rest of the time before the date planning for it. Inisip ko rin kung ano ang mga topic na dapat kong i-open para hindi siya ma-bored sa akin.  Sobrang kinakabahan na talaga ako, 3:45 PM nang nag decide ako na pumunta sa park para hintayin siya.

Nang makarating sa park, nagulat ako sa aking nakita, nandoon na si Jana sa tagpuan namin at tahimik na naka tingin sa phone niya. Mukhang excited din yata siya. Pero wrong move, dapat ako ang nauna. Mali!

Nilapitan ko si Jana at binati. "Hi Jana! Sorry late ako. Kanina ka pa ba?"

Nagulat siya sa pag dating ko. "Oh! Hi Kier! Sorry... Uhm... no, you're not late," sagot ni Jana at bigla siyang nahiya sa akin. "Wala lang ako magawa sa bahay kaya maaga ako dito. It's not that I'm excited or what ah," paliwanag niya.

Until I'm Over You (Published under LIB)Where stories live. Discover now