CHAPTER 34: Return of a friend

14.9K 473 130
                                    

Kier's point of view

Isang buwan na ang lumipas simula nu'ng magtayo ako ng sarili ko'ng law office. Sa tulong ng magaling ko'ng secretary na si Alleiea, ang dami naming kasong naipanalo.

Kakagaling ko lang sa labas ng building kung nasaan ang opisina ko para makipagkita kay Karlo. Sinabi niya sa akin ang tungkol kay Valerie. Dahil sa sobrang busy. Hindi ko namalayan na sikat na pala siya bilang isang memeber ng isang Female Pop Group. Akalain mo 'yon! Kamusta na kaya siya? Galit pa rin kaya siya sa akin? Maybe one day I need to visit her para mag sorry .

I was just day dreaming ng biglang lumapit sa akin ang Alleiea.

"Sir Kier may nagpapabigay po nitong sulat sa inyo. Basahin niyo daw po ngayon," sambit ni Alleiea at iniabot niya sa akin ang isang sulat.

Agad ko itong binuksan at binasa.

Kier,

We need your help. Meet us at the roof top of this building.

-Dragon

Dragon? Teka si Valerie 'to ah!

Nagmadali akong lumabas ng opisina at sumakay ng elevator papunta sa roof top ng building.

Pagdating ko doon ay nakita ko si Valerie na nakaitim na damit, naka-sun glasses, at naka-sumbrero din na itim. Alam ko'ng siya 'yon. Ganon din ang kasama niyang lalaki.

Nang makita ako ni Valerie, agad niyang tinanggal ang shades niya at sinalubong niya ako ng yakap.

"Kier!"

Niyakap ko rin naman siya, "Valeng?! Hey kamusta?"

"Kier buti pumunta ka. Siya nga pala..."

Tinanggal ng lalaki ang suot niyang sunglasses at cap.

"...si Shane! Kilala mo na siya 'di ba?"

Nagulat ako, bakit magkasama na yata si Valerie at Shane?

"Sorry sa mga nangyari noon, p're," sambit ni Shane at nakipagkamay siya sa akin.

Hindi ko alam ang sasabihin. Ano'ng nangyayari?

"W-What's goin on here?" Tanong ko.

Sumagot si Valerie, "Kier... We need your help."

Napakunot noo lang ako, "Anong ibig niyong sabihin na kailangan niyo ang tulong ko?"

"It's about Mr. Valdez, my manager," singit ni Shane. "Nasa panganib si Valerie, at ikaw lang ang tingin niya na makakatulong sa amin."

"Kier please help us. Ikaw lang ang alam ko'ng lawyer na hindi mabibili ng pera. Sa'yo lang ako may tiwala. I will explain later. For now we have to go somewhere safe," sambit ni Valerie.

"O-okay... I'll do what I can. Just tell me what exactly is going on," clue less talaga ako sa nangyayari. Pero dapat ko silang tulungan.

"I'll tell you everything once we are on a safe place," sagot naman ni Valerie.

"Hindi ako pwedeng magtagal. Kailangan ko nang umalis. I can't be seen with you. He have eyes everywhere," sambit naman ni Shane na bakas sa mukha ang takot. "Kier, pwede ba kita makausap saglit?"

Pumayag ako at lumayo kami ni Shane kay Valerie.

"I don't want to drag her into this show business issue. I've been protecting her since then. But for now I have to trust her to you. She'll explain to you everything, sana matulungan mo kami," paliwanag ni Shane.

"We're talking about a friend of mine. Of course I'll do everything to protect her," sambit ko at tumingin ako kay Valerie habang siya ay nasa malayo.

Until I'm Over You (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon