CHAPTER 22: A Series of Awkwardness

19.7K 598 144
                                    

Alam mo 'yong tipong ganadong ganado ka? 'Yan lang naman ang epekto kapag ang mga taong mahal mo ay todo suporta sayo. Ang bar exam ay tumakbo ng isang buwan, every sunday for four times. From monday to saturday, aral lang ako at tuwing sunday bar exam. Natapos ang mga araw ng bar exam at talagang sobrang hirap ng mga tanong, parang pang who wants to be a billionaire. Pero dahil matagal ko na itong napaghandaan, tingin ko pasado naman.

Sana nga makapasa. Gusto ko na makita si Jana.

Last day ng bar exam. Pagod na pagod ako pagkatapos. Feeling ko pigang piga ang utak ko. Parang ketchup na wala na yatang laman, tapos kailangan mo lagyan ng tubig para masimot mo 'yong loob.

Buti nalang talaga hindi ganito ang mga tanong:

Ano ang tamang pagsulat ng "Ikaw lang sapat na" sa jejemon world?

a.       1khAw lNg S4pat NhuA

b.      IkH4w LnG S4ph4t N4

c.       Iq4W  l4nG S4p4t Nh4

d.      qAw LaNg Saph4t N4A

'Di ba? Matindi pa sa periodic table?!

Paglabas ko ng school, hindi ko inaasahan na inaabangan pala ako ni Valerie.  Nakita niya agad akong lumabas ng campus kaya kinawayan niya ako at nilapitan ko naman siya agad.

"Valeng? Ano ginagawa mo dito?"

"Obvious naman 'di ba? E 'di hinihintay ka," mataray niyang sagot pero nakangiti naman.

Napahimas naman ako sa likod ng"Teka. Wala naman ako'ng utang sa'yo 'di ba? Tsaka after pa ng results 'yong free Korean buffet mo sa akin." 

"Wala. Wala lang ako'ng magawa. Naisip ko lang, for sure napiga utak mo e," tumango siya isang beses pababa habang nakangiti. "Tara, lagyan natin ng laman." 

Sinapo ko ang aking ulo. Tama siya, pakiradam ko nga drain na drain ako, "Well, napiga nga ng sobra 'yong utak ko. Ano naman gagawin natin?"

"Kain tayo. Libre ko," sambit niya na may halong yabang pa ang mukha.

"Huh?" Hinawakan ko ang noo niya para tignan kung may sakit siya. "May sakit ka ba? Manlilibre ka bigla e."

Hinawi naman niya ang kamay ko. "Ano'ng akala mo sa akin, buraot? May pera kaya ako. Tara na kain na tayo."

Nag simulang maglakad si Valerie at sumabay naman ako.

"Saan naman tayo kakain?"

Tumingin siya sa akin ng matulis habang naglalakad kami at ilang saglit pa, bigla siyang ngumiti, "Sa isawan or sa fishbolan. Akala mo lilibre kita sa mahal 'no? Neknek mo!"

Napangiti naman ako sa asal niya. I think this is the kind of company I need toda, "Game! Ano akala mo sa akin, hindi kumakain ng street food? Sanay yata ako riyan."

Tinignan niya ako nang may pagdududa at tinaasan pa niya ako ng kaliwang kilay, "Talaga lang a. Tignan natin tibay mo, your honor."

Nakaalis kami ni Valerie ng campus at nag punta sa isang malapit na street na punong puno ng mga food carts. May nag titinda ng fishball, kwek kwek, squidball, chickenball, foot ball, basket ball, siomai, shawarma, kulambo, isaw, bbq, at iba iba pa. Diretso ito at medyo dagsa ang mga tao. Makakarinig ka pa ng recording ng isang lalaking monotone ang boses at tila hindi gusto ang ginagawa na nagsasabing... "Pasok mga suki. Presyong divisoria. Sampu sampu, bente bente at iba pa." Nakabisado ko agad paulit ulit e.

Namangha naman ako kahit papaano sa lugar dahil first time kong makapunta rito, "Meron pa lang ganito dito?"

"Ayan! Kasi! Hindi ka gumagala pagkatapos ng school. Masarap dito. Mura na marumi pa!" Napatingin ako kay Valerie na diretso lang ang tingin at nakangiti. She said marumi rito, e bakit dito kami kakain? Naloko na.

Until I'm Over You (Published under LIB)Where stories live. Discover now