CHAPTER 3: The Past part 2

41.9K 1.1K 298
                                    

Continuation of flash back -- two years ago.

First time sa buhay ko na nakita ko na yata ang babaeng nakabihag ng puso ko nang agad agad, kaso mukhang naagaw na agad ng iba. Ang torpe ko kasi, dapat kinuha ko ang number niya noon. Mag ka-chat sana kami noong nakaraang limang araw. Ngayon sa katangahan ko, mukhang nakapag sayang ako ng isang pagkakataon na isang beses lang mangyayari sa buhay ko.

Naka-akbay 'yong mokong na lalaki sa kanya pero parang dedma lang siya dahil busy siya sa pag guhit. I was disappointed, kaya ginusto ko na lang umuwi. "Lika na Pogi uwi na lang tayo."  Hinila ko 'yong tali ni pogi pero ayaw niya umalis sa pwesto namin at gusto niyang kumawala at parang gusto niyang pumunta kay Jana.

Hindi ko alam kung ano pumasok sa isip ko at binitawan ko 'yong tali niya. Hindi nga ako nagkamali, tumakbo siya papunta kay Jana habang tumatahol-tahol pa.

Agad naman siyang napansin ni Jana, at tuwang tuwa niyabg tinawag ang aso ko, "Pogi!" 

Agad binitawan ni Jana ang kanyang ginagawa at sinalubong niya si Pogi. Hinimas himas niya si Pogi, at ang aso ko naman parang nakita ang mommy niya sa tuwa. Sana nga lang siya na ang mommy, at ako naman ang daddy. Tumingin siya sa paligid, at mukhang hinahanap niya ako. Hangang sa napatingin siya sa direksyon kung nasaan ako. Kumaway siya at tinawag niya ako nang may ngiti sa kanyang mukha, "Kier! Ano gingawa mo diyan? Lika dito!"

Abot tenga naman ang ngiti ko nang narinig kong tawagin ni Jana ang pangalan ko. Nag jogging ako papunta kay Jana para medyo astig ang entrance ko.  "Hi Jana! Sorry naistorbo ko kayo.  Ito kasing si Pogi biglang tumakbo."  Paliwanag ko. Pero sinadya ko talaga mang-istorbo.

Naglulundag si Pogi sa harap niya, tuwang tuwa talaga 'yong aso ko sa kanya.  Tumayo siya at humarap sa akin.

"Bakit ngayon ka lang pumunta dito sa park?" tanong ni Jana.

Natuwa ako sa tanong niya. Was she been waiting for me? Mukhang may pag asa pa, yes!  "Ah... eh... sorry may pasok  kasi ako sa school at gabi na ang uwi ko. Every Saturday and Sunday lang ako walang pasok."

"Okay lang. Good to see you again, pati si Pogi," sambit niya at binigyan niya ko ng napaka-ganda niyang ngiti.

This time, naka-dress ulit siya na light blue and medyo back less ng kaonti. Kitang kita ang kaputian ng kutis niya at talagang bagay na bagay sa kanya ang damit.

Biglang namang umeksena 'yong mokong na lalaking kasama niya. "Ah! I see. So student ka pa lang pala? I'm Andrew by the way." At inabot niya ang kamay niya sa akin upang makipag kamay. Kinamayan ko siya pero hinigpitan ko ng kaonti tapos nginitian ko siya, ngiting aso na biglang mangangagat na lang.  Ang yabang kasi eh. Kung makapag sabi ng student pa lang. Hintayin mo ko grumaduate, mokong ka. Napansin niyang humigpit ang hawak ko kaya parang hinigpitan niya din ang hawak niya. Kung anime lang 'to siguro may parang kuryente na sa gitna namin.

Biglang sumingit si Jana kaya tinigilan na namin ang hand shake war, "Kier, classmate ko si Andrew noong college, Architect din siya. Bigla siyang bumisita sa bahay kaya dinala ko siya dito." pakilala ni Jana sa kasama niya. "Andrew, meet Kier. New friend ko dito sa community. He's a Law student."

Classmate pa pala dati ni Jana itong mokong na mayabang na 'to.

"Ah Law student ka pala," sambit ni Andrew habang marahang tumatango at tintignan ako mula ulo hangang paa.

Akala mo basta bastang estudyante lang ako ah, sabi ko sa isip ko. Pag grumaduate ako sisilipin ko lahat ng gagawin mong project kung lahat legal. Mainit ang dugo ko sa kanya, kahit kaonti pa lang ang alam ko tungkol sa kanya. Hindi ko alam, pero nayabangan talaga ako.

Until I'm Over You (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon