CHAPTER 9: The Annoying Girl

26K 730 332
                                    

Nagulat ako. Ito palang sinasabing anak ni Kuya Gilbert ay 'yong naka hanap kay pogi noon sa airport. Iyong babaeng nakaalitan ko noon.

Sa hindi malamang dahilan, makita ko lang siya kumukulo na agad ang dugo ko sa inis.

Sa hindi malamang dahilan, makita ko lang siya kumukulo na agad ang dugo ko sa inis

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Akalain mo 'yon? Si pangit pala 'to e." sambit ng anak ni Kuya Gilbert.

"Nasaan si Pogi?"  tanong pa niya.

Aba! Maka pang asar 'to akala naman niya maganda siya. Pero wala akong oras para makipag talo.

"Tulog si Pogi at wala akong oras makipag asaran sayo. Sumakay na tayo sa taxi at ihatid mo na 'ko." inis kong sambit dahil late na talaga ako.

"Aba, teka lang!" Sambit niya at bigla siyang sumakay sa driver seat.

"Good girl!" Sambit ko naman at sinubukan kong buksan ang pinto sa passenger seat sa likod ngunit naka-lock ito.

Kinatok ko ang bintana para ipahiwatig na dapat niyang buksan ang pinto. Hindi niya ito binubuksan at nakita kong tumatawa lang siya sa loob ng taxi.

Pumunta ako sa bintana ng driver seat at doon ko siya kinatok.

"Ano ba? Buksan mo kaya 'yong pinto para makasakay ako!"

Narinig kong tinanggal niya ang lock ng pinto sa passenger seat kaya agad kong sinubukang buksan ang pito. Pero bago ko pa man mabuksan ang pinto, agad niya itong ni-lock ulit.

The hell? Pinag ti-tripan ako nang babaeng 'to ah!

Kita ko namang tawa siya ng tawa sa loob ng taxi.

"Seriously? Nananadya ka ba?" Inis kong tanong.

Sa tuwing kakatokin ko ang bintana niya sa passenger seat, tatanggalin niya ang lock ng pinto pero ibabalik niya ito sa oras na hahawakan ko na ang door handle.

Binuksan niya ang bintana niya at muli akong inasar, "Naiinis ka na ba your honor?"

"Miss, I don't really have time for this. Can you just open the door and let me in?" At this point bad trip na talaga ako at malapit ko na siyang... grrr god knows what.

Tinaasan naman niya ako ng kilay, "Your honor, pag may kailangan ka dapat matuto kang makiusap nang maayos,"  sambit niya.

I gave her a fake smile then pretended to be kind, "Okay sige. Pwede po ba akong pumasok na sa inyo pong taxi upang maka-alis na tayo?"

"Good job, your honor." Inalis niya ang lock ng pinto at this time, pinapasok niya na ako.

Pag pasok ko ng taxi nakahinga ako ng maluwang, "Thanks."

"Bilisan mo na miss, kasi male-late na talaga ako," sambit ko. "And stop calling me your honor, hindi ako judge"

"Okay sige mas gusto mo pangit, e 'di pangit na lang," sambit niya at tumawa siya.

Until I'm Over You (Published under LIB)Where stories live. Discover now