CHAPTER 24: Kiss of the Dragon

19.1K 586 143
                                    


Anong nangyayari?

Bakit ako hinahalikan ni Valerie?

Ang lambot at ang init ng kanyang mga labi.

Nanginginig ang mga kamay ko. Anong klaseng pakiramdam ito? Bakit parang nadadala ako?

This is wrong, but...

Sumabay naman ng tugtog sa radyo ni Manong Taxi driver ang isang love song. Habang parang biglang tumigil ang paghinga ko saglit.

(Now Playing: All I Need by Shamrock)

Kissing you is not what I had planned
And now Im not so sure just where I stand

I wasnt looking for true love
But now youre looking at me
Youre the only one I can think of
Youre the only one I see


Napapikit din ako habang kami ay mag kahalikan. Tuluyan na akong nadala. Tuluyan kong nakalimutan ang lahat ng mga bagay.

Tila gumaan ang buong paligid. Nagtayuan ang mga balahibo ko, anong klaseng mahika ito?

All I need
Is just a little more time
To be sure of what I feel
Is it all in my mind
Cause it seems so hard to believe
That youre all I need

Tila parang isang magnet ang halik ni Valerie, dalang dala ako at hindi ko na talaga napigilan. Dahan dahan ko na din hinawakan ang kanyang mukha at bumawi ng halik sa kanya.

Pagkatapos ng ilang segundo, biglang tumigil si Valerie sa paghalik sa akin, ngunit mag ka lapat pa rin ang aming mga labi.

Dahan dahan kong minulat ang aking mata para tignan kung bakit siya biglang huminto. Nang makita ko siya, tila natauhan si Valerie at nanlalaki ang mga mata niya.

Nanlaki rin ang aking mga mata sa gulat. Natauhan na rin ako at alam kong mali itong ginawa namin.

Lumayo sa akin si Valerie at bigla akong sinampal.

"Kier! Bakit mo ako hinalikan?!"

"Huh? Ikaw kaw kaya humalik sa akin!" Giit ko.

"Huh?! Okay ka lang?! Porket lasing ako mag te-take advantage ka na ah! Nakakainis ka!" pinalo niya ako ng pinalo sa braso.

"Teka lang! Teka lang! Ikaw nga talaga 'yong humalik sa 'kin, promise!"  Paliwanag ko. Para may   magpatibay ng sinabi ko, dinamay ko si Manong driver, "manong, 'di ba siya po 'yong humalik sa akin?"

Nakita ko sa salamin na ngumiti si Manong at napakamot ulo, "ay, wala po akong alam diyan, Sir."

"Nakakainis ka Kier! Bumaba ka na nga!" Naiinis na sambit ni Valerie.

"Teka lang, Valeng, malayo pa kaya sa amin ito. Maawa ka naman."

Tumingin siya sa akin ng masama na para bang pinagiisipan niya kung pabababain niya ako o hinde.

"Huwag mo kong kakausapin ah. Nakakainis ka!"

Hindi ko alam pero parang natatawa ako sa pagtatalo namin.

"Valeng..." hihingi sana ako ng sorry pero agad niya akong binara.

"Sabi ko huwag mo kong kakausapin 'di ba! Huwag mo rin ako titignan!"

Until I'm Over You (Published under LIB)Where stories live. Discover now