CHAPTER 48: Playful Fate

12.6K 393 50
                                    

Kier's point of View

It's been a month. Me and Mia are still dating. Okay naman ang relasyon namin. Madalas nasa bahay lang kami at nanonood ng movie. It's actually good to have a movie buddy. Halos lahat ng hilig namin parehas. Kaya sa halos lahat ng bagay magkasundo kami. Puwera lang kay Pogi. Takot talaga siya sa aso. Kaya't everytime na nandito siya, kinukulong ko si Pogi.

Ang sakit makita na kinukulong ko ang aso ko. Never kong ginawa kay Pogi 'yon. Kahit pag namamasyal kami, kinakarga ko lang ang siya para dalhin. Sinubukan ko naman mawala ang takot ni Mia kay Pogi e, kaso wala talaga.

Kakagising ko lang, ang ganda ng sikat ng araw sa labas na tumatagos sa mga bintana ng bahay ko. Ako lang at si Pogi sa bahay ngayon kaya malaya siyang nakakatakbo. Naka-boxer shorts lang ako at gumagawa ng breakfast nang biglang may kumatok sa pinto.

Binuksan ko ang pinto at sumalubong sa akin si Mia na nakasando, naka maong na shorts, at naka-sunglasses. Astig na version talaga siya ni Jana.

"Goodmorning, sweetie!"

Ngumisi ako at binati rin siya, "Hey... Ah... Good morning!"

"Ooh... Ganda ng suot mo ah." Tinignan ni Mia ang itsura ko mula ulo hangang paa.

Nakalimutan kong naka boxer shorts lang pala ako at walang damit pang itaas. Agad kong tinakpan ang nasa ibaba ko.

"Oops! Sorry."

Ipinatong niya ang kanyang mga kamay at braso sa balikat ko at inilapit niya ang kanyang mukha sa akin.

"Bakit ka naman mahihiya sa akin?" Tanong ni Mia na may mapang-akit na boses.

Napalunok ako at akma niya na sana akong hahalikan nang biglang dinilaan ni Pogi ang paa niya. Dahilan naman para mapatili siya ng malakas sa gulat.

"Pogi no!" Saway ko sa aso ko. "Sorry Mia! Akala ko kasi mamaya ka pa pupunta."

Kinarga ko si Pogi at dinala ko sa kulungan niya, "Sorry buddy, dito ka muna sa cage mo ah."

Binalikan ko si Mia na nasa sala na,  "Sorry Mia. Mamaya pa kasi 'yong lakad natin 'di ba? Kaya akala ko mamaya ka pa."

"Okay lang. Sorry if I screamed. Saan nga pala tayo pupunta mamaya?"

"I was invited as a guest of honor sa isang evening party, dapat si Papa ito kasi foundation niya ang sponsor ng even pero dahil wala siya ako na lang, and you are my plus one."

"Ano ba 'yan, Kier? Bakit hindi mo sinabi na magarbong party pala pupuntahan natin mamaya? Tignan mo tuloy, ito lang suot ko," reklamo niya.

"Okay lang 'yan, we'll just buy on our way there."

Umakyat ako ng kwarto ko para mag bihis. Then we watch some movies dahil masyadong maaga nang dumating si Mia.

Matapos 'yon. Naghanda na kami sa pag punta sa event. Dumaan kami sa isang shopping Mall para bumili ng susuotin. I wore a black tuxedo, while Mia really look stunning in her long red dress.

Ginanap ang event sa isang 5 star hotel sa kanilang event hall. Ang daming mga mayayamang tao at mga artista ang nandito. Sa dulo ng event hall, sa gitna ay may stage. Pagdating namin, sinalubong agad kami ng isang chinitang babae na mukhang extra sa mga Chinese movies.

"Good evening! Are you Mr. Kier de Leon?"

"Indeed I am," sagot ko.

"Hi Mr. de Leon, my name is Kim Nicole the secretary of the host of this event Ms. Michiko Watanabe. May I please show you and your partner to your table?"

Until I'm Over You (Published under LIB)Where stories live. Discover now