CHAPTER 50: Dragons VS Puppies part 2

13.4K 384 74
                                    

Kier's Point of View

I don't know what's got into me. Or why I made that deal with Valerie. I'm not even sure why I don't want her to go. Guess I'll find out in this vacation.


"Wooh! Puppies for the win!" Sigaw ko.

"Nang gaya lang naman kayo ng strategy eh." Sabat ni Valerie.

"Winning is winning Valeng. I told you, I won't lose."  Sagot ko na may halong yabang.

"Sus! Huwag excited, first match pa lang."

Ilang saglit pa ay pumito ulit si Ms. Cyrene para sa next game.

"Alright! Team Puppies one point! Dapat makabawi ang team dragons."

"Bring it on! Next game na!" Ganadong sigaw ni Shane.

"Okay sige! So next match is called wring the towel relay race! Mayroon ulit tayong point A at point B.  Sa point A mayroong isang timba, ang point B ay ang dagat. Ang umpisa, pipila ang bawat team ng straight line, tapos mag lalayo ang bawat isa ng mga tatlong metro sa isa't isa. Ang gagawin lang ay pupunoin ang bucket ng tubig mula sa dagat gamit ang towel na ito." Paliwanag ni Ms. Cyrene.

Binigyan kami ng tig-isang towel ng mga game organizer. Isa sa amin at isa kila Valerie.

"First step is to choose someone who will run to the sea and soak the towel into the water.  Tapos kapag basa na ang towel, ipapasa ni runner ito sa nearest group member. The catch is, si runner lang ang pwedeng umalis sa pwesto papunta ng dagat. Tapos pag ka pasa ni runner sa nearest member, ibabato niya kay next member ang towel then ganon din ang gagawin hangang sa makarating ang towel sa point A. Then kapag na sa point A na ang towel, pipigain ito ng member na malapit sa bucket then he or she needs to pass the towel back to the members hangang sa makarating ulit kay runner. Then repeat lang hangang sa mapuno ang bucket ng tubig. Paunahan mapuno ang timba!"

Ginawa namin ang instructions ni Ms. Cyrene. Sa team puppies ako ang nasa point A at ang runner namin ay ang nag prisintang si Aling Evang. Kasing dali lang daw kasi nang pag hahabol ng lalaki 'yon kaya pinag bigyan namin. Sa Dragons naman ay si Valerie ang nasa point A at si Mingay ang kanilang runner. Parang kitang kita ko na matatalo kami ah.

"Ready na ba team dragons and team puppies?!"

"Yes!!"

"Alright! Ready... Get set... Go!"

Pumito si Ms. Cyrene at nagsimula ang race. Mabilis na tumakbo si Aling Evang at si Mingay habang hawak ang kani-kanilang towels papuntang dagat. Mabilis si Aling Evang parang amazona, pero ganon din si Mingay batanguenang batanguena. Nakaka gana din kasi ang background music.

(Now Playing: Boombayah by Black Pink)

"Go Mingay!"

"Go Aling Evang"!

Kanya kanyang cheer ang team namin at team nila Valerie.

Okay na sana si Aling Evang na naunahan si Mingay papunta ng dagat para basain maigi ang towel kaya lang...

Biglang napunta sa chorus ang back ground music, kaya ayun biglang sumayaw ang matanda.

"Boombayah! Wooh! Ayaya boombayah!" Pag kanta ni Aling Evang habang sumasayaw. Unti unti namang natatapon ang tubig sa towel.

Wala na, napa face palmed na lang ako. Naunahan na siya ni Mingay.

Nang makita ni Aling Evang na pinapasa na ng team dragons ang towel nila, tumigil sa pag sayaw si Aling Evang at pinasa na din ang towel sa amin. Kaya lang dahil lamang na ang dragons, pagkatapos ng maraming ulit na pasahan...

Until I'm Over You (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon