CHAPTER 51: Letting go

19.7K 453 86
                                    

Napakasarap marinig ang matamis niyang tinig habang kanyang binibigkas ang aking pangalan.

"Kier..."

Nag kadikit ang aming mga katawan at ang kanyang kamay ay hinahaplos ang aking balikat papunta sa braso ko, at papunta sa aking kamay.

"Gotcha!" Sambit ni Valerie nang bigla niyang kunin mula sa akin ang heartshape na seashell.

Humiwalay siya sa pag kakayakap.

"Dragons win!"  Sigaw niya na tuwang tuwa pa.

"What the?! You tricked me, I found it first! Ang daya mo!" Giit ko.

"Wala na, nasa akin na eh."

She waived at her team mates to call their attention, kahit wala namang tumingin sa kanya dahil na sa malayo sila.  "Guys! We won!"

Ang daya pero sige na nga pag bibigyan ko na lang. "Wait Valeng. I found it first, does that mean na panalo ako sa pustahan natin?"

Tumahimik siya saglit at naging siryoso.  Tinignan niya ako ng diretso.

"You know what Kier... Hindi naman natin kailangan mag pustahan eh. Just give me one good reason to stay."

Hindi ako nakasagot at iniwas ko nalang ang aking tingin sa kanya.

"Why'd you don't want me to go away? Bakit Kier? Why'd you want me to stay? Sumagot ka!"

"I uh... I... I don't know."

Nanahimik si Valerie at tila nag hihintay siya ng magandang sagot mula sa akin.

Ilang saglit pa ay bigla siyang umiyak  sa harapan ko at pinalo niya ako ng pinalo sa katawan. "Ayan ka nanaman eh! Nakakainis ka! Naiinis ako sayo!"

Tumigil siya sa pag palo sa akin pero iyak pa din siya ng iyak. "I'm trying to get over you. Pero lagi kang nag paparamdam, pero lagi mo namang hindi alam! Anong klase kang..."

Hinawakan ko ang mga pisngi niya at bigla ko siyang hinalikan. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko. I think this is something I want to do. This is something I've been longing to do. My lips landed in her lips perfectly. I kissed her and she kissed me back. Our eyes were closed and it feels like the time just suddenly stopped. All I hear now is the sound of our lips kissing and the sound of the water from the sea going back and forth to the shore. Suddenly it makes me feel alive. It makes me feel right. It makes me feel...

"Get off me!" Valerie pushed me away from her. "Nakakainis ka talaga!"

Gusto ko sanang habulin si Valerie pero biglang dumating si Mia.

"Kier!" Pag tawag sa akin ni Mia. "Bakit tumatakbo si Valerie?"

Mukhang kakarating lang niya at 'di niya kami nakita.

"Ahmm.. Aah.. They got the seashell... They won..." Sagot ko.

Dapat hinabol ko si Valerie pero hindi ko alam kung bakit hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko.  Dahil ba bigla kong nakita ang mukha ni Jana kay Mia?

Nakalayo si Valerie ng tuluyan sa akin at sinalubong siya nila Shane. Kita ko sa malayo na niyakap siya ni Shane at nag celebrate sila sa kanilang pag ka panalo.

What have I done?

Pumunta ako sa kanila at binati sila na parang walang nangyari. Ganon din naman kasi si Valerie. Nakangiti siya na parang walang nangyari pero hindi siya tumitingin sa akin.

We spent the rest of the day swimming at the beach, eating, drinking, playing, and chatting around.

Pero si Valerie ni-isang tingin at ni-isang salita hindi niya ako pinansin.Galit ba siya sa akin?

Until I'm Over You (Published under LIB)Where stories live. Discover now