CHAPTER 40: Soup Battle

12.9K 452 75
                                    

Hindi ako agad nakasagot sa sinabi ni Shane na kukunin niya na si Valerie. Iba ang nararamdaman ko. Para ba'ng nagseselos ako at ayoko na umalis si Valerie dito.

"I think Val have stayed long enough to care for you. I can get you a private nurse. Since wala na si Mr. Valdez wala na rin threat sa mga buhay natin."

Tama siya. May mga pagkakataon na nakakahiya na kay Valerie. But she always insist na alagaan ako. Higit pa doon masaya ako na kasama ko si Valerie ngayon.

Naputol ang usapan namin nang makabalik si Valerie sa sala.

"Shane, pag-usapan natin ulit ang tungkol diyan mamaya. Sa ngayon tikman mo muna ang dragon soup este chicken soup ni Valerie," alok ko kay Shane.

 Magkahalong gulat at sabik naman ang nakita ko sa mukha ni Shane. "Talaga? Hindi ko alam na marunong ka pala mag luto, Val?"

"First time ko 'yan, pero sabi ni Kier masarap daw. Teka at ikukuha kita."

Pumunta si Vakerie ng kusina at kumuha ng soup.

"Well I guess this is her last day na alagaan ka," sambit ni Shane. "Kamusta, Kier? Gumagaling ka na ba?"

"Getting better. Magaling mag-alaga itong si Valerie e," sagot ko.

Kumunot noo si Shane. "Good. Mukhang kaya naman ng nurse na alagaan ka. Hindi na kailangan na si Valerie pa kaya kukunin ko na talaga siya."

Nagulat ako sa sinabi ni Shane. Tila nag seselos yata siya sa amin. Hindi ko alam kung bakit pero parang nakaramdam din ako ng selos. Parang piling ko may umaangkin kay Valerie kahit hindi naman ito sa kanya.

"We'll see about that," Nagkatitigan kami ng masama ni Shane na parang malapit nang mag suntukan. "Depende naman kay Valerie kung gusto niya na umalis 'di ba?"

Biglang sumingit si Valerie sa gitna at masayang binigay ang soup kay Shane, "Here's your chicken soup, Shane!"

"Wow mukhang masarap 'to a!"

Kinuha ni Shane ang soup na inialok ni Valerie. Hinipan niya muna ito, sinalok ng kutsara at tinikman.

Ngumisi ako at sa loob loob ko...

Tignan na lang natin kung in-love ka pa rin sa kanya pagkatapos mo'ng makatikim ng Dragon Soup na lasang ewan. Bwahahaha!

"Ang sarap!" Sambit ni Shane at kumain pa siya ng kumain ng soup ni Valerie.

"What the?!.. I mean, sabi sa'yo p're masarap e!" Grabe, seryoso ba itong si Shane. Hindi kaya masarap 'yon.

"Yeah! It's really good! I think I'll have another bowl later," sambit ni Shane na maganang magana kumain ng Dragon Soup.

May betsin siguro sa dila itong si Shane? Paano niya nasabing masarap? E akala ko nga kanina nakatikim ako ng sinabawang medyas e.

"Yehey!" Tuwang tuwa si Valerie. "I think I just discovered my new talent!"

Pakanta kanta pa si Valerie na pumunta ng kusina, "Ililigpit ko lang 'yong mga ginamit ko sa pagluluto."

Pinanood ko'ng kumain si Shane at hinihintay ko'ng masuka siya. Pero grabe! Ang tindi ng sikmura ng taong ito!

Matapos ubusin ni Shane ang karumal dumal na Dragon soup, sinundan niya si Valerie sa kusina upang ibigay ang bowl. Sinilip ko sila at mukhang napansin ni Shane na nagmamatyag ako.

"Salamat Val! Ang sarap talaga! Aabangan ko ang next mo'ng iluluto a." Binigay ni Shane ang bowl kay Valerie at nakita ko'ng hinawakan niya si Valerie sa may bewang habang nakatingin siya sa akin.

Until I'm Over You (Published under LIB)Where stories live. Discover now