CHAPTER 28: Us Apart

18.5K 580 109
                                    

"Kier..."

"Kier..."


"Kier, gising na!"


Pagmulat ko ng aking mga mata...

"Sino 'yan?"


"Jana?"


"Jana my love! Ikaw ba 'yan?!"



"Nasaan ka? Pupuntahan  kita!"

Hindi ko maaninag kung si Jana nga ba ang nakikita ko dahil sa isang maliwanag na ilaw sa kanyang likod.

Hindi ko alam kung nasaan ako. Ang paligid ay luntian. Napakaganda at napakalinis ng lugar. Ang mga damo ay tila bagong gupit, at nakatayo ako sa isang malawak na kapatagan.

Isang babae na naka-suot ng puting dress ang natatanaw ko sa malayo. Ang kanyang postura na na tila isang modelo, at ang buhok niyang mahaba na may kaonting alon, ramdam ko'ng si Jana ang babaeng iyon.

"Jana? Alam ko'ng ikaw 'yan! Please diyan ka lang, pupuntahan kita!"

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. Tapos biglang nawala ang babae.

"Jana?"

"Jana my love. Nasaan ka? Please!"

"Please..."


Biglang may yumakap sa aking likuran. Ang napakabangong amoy niya na parang bulaklak ng Jasmine, at ang kakaibang pakiramdam ng yakap niya na para ba'ng ako'y nasa langit sa tuwing hinahagkan niya. Alam kong si Jana ito. Si Jana ito! Gusto ko sanang humarap sa kanya upang yakapin rin siya ngunit tila hindi ko magawa. Ayaw sumunod ng katawan ko sa kagustuhan ko.


"Jana? I-ikaw ba 'yan?"

"Hindi mo na ako kailangan hanapin." Ang maamo niyang boses na kabisadong kabisado ko na parang isang kantang malumanay ay patunay na siya nga si Jana.

Dahandahan niyang ipinatong ang kanyang kamay sa dibdib ko habang siya ay nasa likod ko, "I will always be here. I will always be with you..."

"...someone will love you better than I do. Someone will always be with you..."

"...I am so sorry Kier."

"Goodbye, my love..."

Biglang nawala si Jana sa likod ko. Kung kailan wala na siya saka naman ako nakagalaw. Nilingon ko siya at hinanap sa buong paligid, ngunit hindi ko na siya nakita.

Kahit sa huling pagkakataon hindi ko siya nakita.

Isang panaginip...

Panaginip lang pala...

Sa panaginip na lang ba kita makikita?

Pagmulat ko ng aking mga mata, tumambad sa akin ang napaka-amo at napakagandang mukha ni Mama. Hawak hawak niya ang kamay ko at tila hinihintay niya akong magising.

"Kier anak! Thank God!" Nagaalalang sambit ni Mama at niyakap niya ako nang mahigpit.

"Mahal gising na ang anak natin!" Tawag ni Mama kay Papa.

Nagmadali namang pumasok sa kwarto si Papa, "Kier!"

Niyakap din ako ni Papa at siya din ay alalang-alala, "kamusta pakiramdam mo?"

Sinapo ko ang aking ulo. "Ano po ang nangyayari? Bakit po kayo nandito?"

Nagkatinginan silang dalawa at seryoso ang kanilang mga mukha.

Until I'm Over You (Published under LIB)Where stories live. Discover now