SIMULA

24.7K 726 96
                                    




"Sa harap ng konseho na ito ay hinahatulan ka ng kamatayan sa salang pagpaslang sa anak ng presidente ng pilipinas!"


"Goodbye Philippines ka na, Sam." Bumaling ako sa kasama ko sa selda. May nakakalokong ngiti sya habang inaayos ang hinihigaan niya. 


"Eh kung isama kaya kita sa pamamaalam ko?" Inis na sabi ko at saka sya inirapan. Binaling ko ulit ang tingin ko sa labas ng selda kung saan nagkalat ang mga katulad kong preso.


Narinig ko pa ang tawa nya pero hindi ko na iyon pinansin. Nakatingin lang ako sa mga pakalat kalat sa labas ng mga selda. Pwede ngayon lumabas sa kanya kanyang selda pero may bantay pa din. 


Tatlong taon na ako dito sa kulungan. Nahuli ako noong nasa 20 palang ako dahil sa pagpatay kay Criselda Sewis. Ang anak ng presidente. Naging careless ako dahilan kung bakit nahuli agad ako. Ilang buwan palang ay sinentesyahan ako ng kamatayan at bukas na ng alas-tres ang katapusan ko.


Capital punishment o Death penalty. Dahil makapangyarihang tao ang binangga ko ay iyon ang naging hatol sa akin. Malaki ang galit sa akin ng mga tao, hindi ko naman sila masisisi. Anak ba naman ng presidente at isang influencer ang patayin ko, sino bang hindi magagalit. 


"Gusto mo bang tumakas?" Biglang bulong sa akin ni Carolina. Bumaling ako sa kanya at nakatingin din sya sa labas. Hindi ko alam na na kalapit na sya sa akin.


"Anong sinabi mo?" Tanong ko rito dahil napakahina ng bulong niya. 


"Tinatanong kita kung gusto mong tumakas. Hindi mo naman siguro gustong matapos ang buhay mo bukas, hindi ba?" Saad nito sapat na para marinig ko. Mariin ko itong tiningnan at sinuri kung seryoso ba ito sa kanyang sinasabi.


Huminga ako nang malalim bago siya tanunging muli. "Paano?" Bumaling sya sa akin at saka ngumisi. 


"Kakasa ka ba bukas ng umaga?" Tanong nito sa akin at sinenyasan akong sumunod sa kanya. Lumapit kami sa higaan nito saka siya doon umupo. Ako naman ay nakatayo lamang sa harapan niya. 


"Bukas ng umaga ay nagpa-plano kaming tumakas. Mas maaga mas maganda kaya magsabi ka kung sasama ka o hindi." 


"Paano kung sabihin kong hindi?"


"Ako ang papatay sa'yo. Magiging advance ang pamamaalam mo." Simpleng sagot nito sa akin.


Nagtaas baba ang kilay nito sa akin. "Paanob ba ang gagawin?"

Malaking ngiti ang binigay nito sa akin bago nito inangat ang unan niya. Mayroon doong caliber 22 at Bowie knife. Pasimple nyang inabot sa akin ang kutsilyo at bago bumulong.


"Mas magaling ka sa depensa at hand to hand combat kaya iyan ang gamitin mo."  Mahinang sabi nya. Kinuha ko iyon at sinuksok sa strap ng pants ko. 


"Bukas ng ala-una ng umaga ang pagtakas. Sumama ka sa amin. Umaga tayo aalis sa gayon ay walang masyadong makahalata sa atin." Sabi nya. Tumango ako at saka lumapit sa higaan ko. 


Pagsapit ng gabi ay nagplano na kami sa gagawin naming pagtakas. Apat kaming tatakas bukas ng umaga. Magkakaselda lang rin kami kaya hindi naging mahirap ang pagpaplano. Nakahiga na kaming apat sa kanya kanya naming higaan. Hindi ko alam kung tulog ang iba ngunit ako ay nakapikit lamang at nakikiramdam sa paligid. 


Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )Where stories live. Discover now