IKAAPAT NA KABANATA

10.7K 419 27
                                    



"Malapit na..." hinakbang ko ang isang paa ko sa malaking bato. "...malapit na akong umuwi," yumupyop ako sa gilid ng bato. Kanina pa akong pauli-uli pero wala akong Linawo na mapuntahan. Nagtatanong na din ako pero lagi kong nakakalimutan kung saan dadaan. Masakit na din ang paa ko sa kaka-ikot. Kung bakit kasi ayaw akong samahan ng engkantong batang yun.


Kung saan saan na ako nakarating. Marami na rin akong pinagtanungan ngunit sa lahat ng sagot nila ay wala akong natandaan. Sa tagal ko nang naglalakad ay sa tingin ko ay halos lampas isang oras na akong paikot ikot. Kung hindi ko lang natatandaan ang dinadaanan ko iisipin kong naliligaw na ako. Kung bakit kasi iniwan ako nung engkantong iyon. Kung sinamahan niya ako edi sana hindi lang ako ang nagdurusa.


"Ija, ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ng maliit na matanda. Sakay ito sa maliit na karwahe. Umiling ako sa kanya at sumimangot.


"Alam n'yo po ba ang Linawo?" Pagkuwang tanong ko. Ngumiti naman ang matanda sa akin at tinuro ang likuran ko. Lumingon naman ako sa itinuturo nya.


"Nasa Linawo ka na, Ija." Nakangiti nitong sagot sagot sa akin. Bahagyang napataas ang kilay ko at dahan dahang tumango. Nakita ko doon ang hindi kalalakihang sign na nakalagay ay Linawo. Napakamot ako sa noo ko at ngumiti sa matanda.


Uso namang tumingin bakit hindi nga ako tumitingin sa paligid.


"Naliligaw ka ba, Ija?" Muli nitong tanong sa akin. Tumayo ako at pinagpagan ang suot kong bestida na na kapitan ng maliliit na damong tuyo.


"May hinahanap po akong tao, Nay." Sagot ko. "May kilala ka bang Molino, nay?" Nagbabakasakali na tanong ko sa kanya. Mahirap kasi maghanap lalo na't hindi ko naman talaga kilala si Molino. Isa pa hindi ko din alam ang itsura nya.


"Ay ang matandang Molino ba kamo? Oo naman. Sandali lang at tatawagin ko ang kanyang apu-apohan para s'ya ang maka-usap mo. Halika muna." Bumaba ang matanda sa kanyang sinasakyang karwahe at naunang maglakad sa akin. Sumunod na ako sa matanda ng pumasok sa maliit na tindahan. Pagpasok ko ay nakita ko ang maliit na groceries store. Merong iilang namimili. Masasabi kong sakto lang ang kinikita nila dito.


Kung sa mundo na pinagmulan ko, ang ganitong store ay 7/11. Tulad nga ng sabi ng batang engkanto, modernized nga ang lugar na ito. Meron silang teknolohiya kahit ang pagsasalita nila ay hindi naiiwan. Kahit sa pananamit ay moderno din pero hindi kasing moderno ng pinagmulan kong mundo na ang damit ng mga babae ay halos kinapos sa tela. Pero ang napansin ko lang ay karwahe ang ginagamit nila. Kahit papaano ay maganda naman ang mundong ito.


"Sino ka?"


Napapitlag ako nang may magsalita sa tagiliran ko. Lumingon ako rito at bumungad sa akin ang lalaking chinito. Maputi rin ito at matangkad dahil umabot lang ako sa tenga nito. Kaso nga lang ay parang babae ang katawan nito. Hindi sya macho kun'di parang tikling. Hindi sa panlalait ha, honest lang ako.


"Bakit mo ako tinatanong? May gusto ka sakin?" Walang pakundangan na tanong ko.


Wala naman kasi akong maisip na dahilan para tanungin kung sino ako. Una kasi hindi naman sya mukhang tindero dito. Pangalawa hindi naman siguro siya si Molino dahil sa pagkakaalam ko matanda si Molino.


Bahagyang napanganga ang lalaki sa akin pero maya maya pa ay humalakhak. Malakas itong tumawa kaya napalingon sa amin ang ilang tao. Ngiwi kong tiningnan ang lalaking nasa harapan ko.


Hindi ba ito nahihiya sa tawa nya? Bukod sa malakas ay parang naipit na dinosaur ang tawa nya.


Maya maya pa ay tumigil na sya sa pagtawa at napailing sa akin. "Kababae mong tao ang hangin mo." Sabi nya sa akin.


"Eh bakit mo ba tinatanong ang pangalan ko? Sa pagkakaalam ko ay pag tinanong mo ang pangalan ng isang babae ay ibig sabihin noon ay nagagandahan ka o kaya naman may gusto ka. "Sabi ko. Muli na naman itong tumawa pero hindi katulad ng tawa kanina.


"Tinatanong kita dahil sinabi sa akin ni Lola Pasing na Hinahanap mo ang lolo ko. Hindi sa nagagandahan ako sayo. 'Di naman kita type." Sabi nito saka ako inirapan. Napa ayos ako ng tayo paharap sa kanya.


"Lolo mo si tandang Molino?" Tanong ko. Tumango sya sa akin at mariin akong tiningnan nya.


"Anong kailangan mo sa kanya?" Mariing tanong niya sa akin.


Ano nga ba ang kailangan ko sa kanya?


Napakamot ako sa likod ng tenga ko. Gusto ko lang naman kausapin si Molino 'kuno'. Ramdam ko kasing may maisasagot siya sa nangyari kay Adallina. Sya ang nakakita at nagdala kay Faraci ng maaksidente sya kaya alam kong may alam sya bago mawala si Faraci.


"May gusto lang akong itanong sa kanya." Sagot ko sa tanong nya.


Tinitigan n'ya ako ng medyo matagal kaya may ngisi akong tumitig pabalik sa kanya.


"Alam kong maganda ako kaya wag mo ng ipamukha sa paraang pagtitig mo Ginoo." Sabi ko at bahagyang inipit ang ilang strand ng buhok sa likod ng tenga ko.


Napakurap sya at maya maya pa ay napahagalpak ng tawa. Kunot ko syang tiningnan bago tumingin sa paligid.


May mental Illness ba ang lalaking to?


"Masyadong malakas ang hangin sa ulo mo, mag patingin kana. Nakakasama sa kalusugan yan." Plain na plain na sabi n'ya at tumalikod sa akin. "Sumunod ka sa akin isasabay kita sa pag-uwi ko."


Inayos ko ang hood ng balabal na suot ko at sumunod sa kanya palabas. Ang lalaking nasa unahan ko ay matangkad talaga. Malapad din ang balikat nya kahit na payat sya. Para syang character sa BL movies and Mangas. Naka puting T-shirt at maong short na umabot lang sa ibabaw ng tuhod Ng short at naka tsinelas lang din ito pambahay. Mukhang malapit lang dito ang bahay ng lolo nya dahil sa suot nya. At mukhang kilalang kilala din sya dito dahil sa babaeng pinag tanungan ko kanina.


__________________________________________________________
__________________________________________________________

Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )Where stories live. Discover now