IKA-TATLUMPU'T ISANG KABANATA

4.8K 244 41
                                    


"Mama..." 


Napatingin ako sa kinahihigaan ni Alana nang marinig ko itong bumulong. Pikit pa rin ang mata nito kaya sa tingin ko ay nananaginip ito. Inayos ng kasama naming doctor ang kumot nito. 


Dalawang doctor ang kasama namin dito sa loob ng bahay na pinagdalhan sa amin ng prinsipe. Ang isa ay tiningnan si Alana samantalang ginagamot naman ako nang isa. Ginamot na ang braso kong dinaplisan ng bala kanina pati na ang ilang gasgas. Ngayon naman ay ang likod ko ang ginagamot dahil meron ding mga sugat dito.


"Okay lang ba ang bata?" Tanong ko sa babaeng doctor na syang naka assign kay Alana. 


"Pwedeng magkaroon ng trauma ang bata sa nangyari dahil napaka bata pa nito. Ngunit kung sa physical nito, wala naman. Bukod sa gasgas sa braso ay wala nang iba pa." Saad nito sa akin. Tumango ako sa kanya at napalingon sa likuran ko nang maramdaman kong binababa na ng isa pang doctor ang damit ko.


"Okay na. Magpahinga ka na lamang para hindi lalong sumakit ang likod mo." Sabi nito at nginitian ako. 


Ngumiti rin ako rito at maya-maya pa ay nagpaalam na silang dalawa. Sila ang tinawagan ng prinsipe kanina bago nya kami iwan dito. Sa malaking bahay niya kami iniwan at hindi ko alam kung sa kanya ba ito. Walang kahit na anong proweba na magsasabing sa kanya ito. 


Hanggang dalawang palapag lang ito at merong dalawang kwarto sa taas at baba. Ngayon ay nasa pangalawang palapag kaming dalawa ni Alana. 


Umalis ang prinsipe kanina nang pagkahatid n'ya pa lang sa amin. Wala itong pasabing umalis. Hindi ko man lang tinanong kung may pagkain ba dito. 


Napa ismid ako saka bumaling sa bata. Muntik na siyang makuha kanina. Hindi ko pa din alam kung bakit kailangan nila ang bata. Kung tutuusin ay wala namang espesyal dito maliban na lang sa pagiging ma attitude. 


Lumapit ako dito saka umupo sa kamang kinahihigaan niya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa makuha kung sino talaga ang kamukha nito. Ang alam ko lang ay ang mata lang nito ang na mana kay Adallina at wala ng iba. Kahit sa sinasabing Runzel na gumahasa dito ay walang nakuha. Ni kahit ata tinga ay hindi sa kanya. 


Pamilyar ang hulma ng mukha n'ya pero hindi ko maisip kung saan ko ba ito nakita. 


"Hindi kaya usog ka lang niya na nabuo?" Tanong ko habang nakatingin sa mukha nito. 


Napakamot ako batok ko saka tumayo. Unti-unti ko nang nararamdaman ang gutom. Magha-hapon na at kanina pang wala kaming kain ni Adallina. 


Bumaba na ako at sumalubong sa akin ang napakalinis na salas. Malawak ito at tanging dalawang single sofa at isang long sofa ang nandoon. Sa harapan nito ay ang babasaging lamesa na punong puno ng libro. Nilibot ko ang paningin ko para mahanap ang kusina.


Dalawang pinto ang nakita ko. Unan kong pinuntahan ay ang unang pinto. Salamin lang ang pinto nito kaya naman kita ko na agad. Ito ang kusina. 


Sinilip ko rin ang pangalawang pintong gawa sa kahoy. Pinihit ko ito para bumukas at nakita ko ang malawak na sa tingin ko ay labahan. Sinara ko na ito at dumeretso na sa kusina.


Medyo malawak ang kusinang ito. Merong dalawang refrigerator dito. Kumpleto ang kagamitan dito. Sa gitnang bahagi ng kusina ay nandoon ang lamesa at sampung upuang nakapalibot dito. Binuksan ko ang isang ref at napairap ako nang makita ko na walang laman.


"Ganda-ganda ng ref wala namang laman." Sabi ko at ang isa naman ang binuksan.


Napa 'wow' ako dahil puno ito ng laman. Merong mga gulay at karne. Mukhang fresh pa ang mga ito. Meron ding mga itlog na mukhang organic pa. Kinuha ko ang karne na sa tingin ko ay karne ng baka . Pinaglalabas ko din ang ilang gulay tulad ng kalabasa, mustasa at upo. Pinatong ko ang mga ito sa lamesa. Kinuha ko na ang kutsilyo pati na ang sangkalan na gagamitin ko ng may biglang pumasok sa isip ko. 


Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )Where stories live. Discover now