IKA-SAMPUNG KABANATA

8.3K 347 28
                                    

Ninety-five

Ninety-six

Ninety-seven

Ninety-eight

Ninety-nine

One hundred!


Tumayo ako at pinagpagan ang bestidang puti na suot ko. Lumapit ako sa isa sa mga namamahala sa mga workers sa palasyo. Halos dumagsa na ang mga tao rito sa palasyo. Ang malawak na field ay halos mapuno.


Nag announced bigla noong isang araw ang Hari na magdadagdag sila ng mga Knight at ng mga steward. Nalaman ko na lang na Steward ang mga tawag sa mga katulong na nag se-served ng pagkain. Magdadagdag din sila ng servant. Sila naman ang mga katulong. Kaya naman ang dami ngayong tao dito.


Kanina pa akong nagbibilang at nakamasid sa paligid. Wala akong magawa. Malapit na akong mag isang buwan dito pero hindi pa nagpapakita sa akin ang batang engkanto. Hindi ko alam kung iniwan na ba ako ng batang 'yun o ano. Hindi din ako makalabas ng palasyo dahil maraming bantay. Bilin din ng Hari na hindi ako maaaring lumabas.

Naglakad ako papalapit sa babaeng namumuno sa mga aplikante. Seryoso itong nakababa ang tingin sa mga papel habang may nasa harapan niyang babae na nakatayo.


"Marami pa po ba ang mag a-apply?" Tanong ko sa babaeng namamahala sa mga naga-apply as servant. Bahagya syang nagulat sa akin at kalaunan at tumango.


"Madami pa prinsesa. Pero hindi lahat ay kukunin natin." Sabi nya at pinakita sa akin ang ilang pirasong papel. "Sa ngayon sila muna ang aming kakapanayamin para malaman kung pasok ba sila sa trabahong ina-apply-an nila." Medyo napangiwi ako nang sabihin n'yang standard. Kahit pagiging katulong ay mataas ang standard nila. Hindi naman kasi basta-basta ang trabaho nila. Gaya ng ibang trabaho, mahirap din ito.


Kinuha ko ang hawak n'yang mga papel at tiningnan ko ito. Nagulat pa ito dahil basta ko na lang itong kinuha sa lamesa niya. Apat na pirasong papel at puro pangalan lang ang nakalagay. Akmang kukunin niya sa akin ang papel nang itinaas ko ito at binalingan sya ng tingin. Dahil nakaupo sya ay nakababa ang paningin ko sa kanya.


"I'll help you. You look tired na kasi eh. Rest ka muna." Sabi ko at sinenyasan syang tumayo.


"Prinsesa, hindi pwede. Trabaho ko ito." Sagot nito sa akin at tumayo pa. Inangat niya ang kanyang kamay at aabutin na sana ang papel na hawak ko nang hawakan ko ang kamay niya.


"Tutulungan na nga kita, hindi ba?" Ani ko rito at marahan siyang tinutulak paalis sa kanyang kinatatayuan pero nagmamatigas ito at nagpapabigat.


"Prinsesa, hindi po talaga pwede. Mapapagalitan po ako ng Reyna-"


"Ako na ang bahala sa aking ina. Magpahinga ka na. Shoo, shoo!" Pagtataboy ko sa kanya. Halata sa kanyang mukha ang pagaalangan pero sumunod pa rin siya.

Gamit ang papel, linaypayan ko ang sarili ko saka ako umupo sa inupuan n'ya. Tumuwid ako ng upo at humarap sa unahan. Nakita ko ang mga nakapila sa harapan ng lamesang gamit ko. Pinagmasdan ko ang mahabang pila na naka linya sa harapan ko. Muli kong binalingan ang babaeng nasa harapan ko.


"Kanina ka pa ba dito nakapila?" Tanong ko sa babaeng nakapila sa pinaka una. Umiling naman ito.


"Hindi naman po katagalan, prinsesa." Pagsagot nya. Tumango ako saka tumayo. Pumunta ako sa pinaka dulo ng pila. Nakita ko ang babaeng parang pinagsakluban ng langit at lupa. Napapansin ko kasing ang mga nasa likuran ay kanina pang nakapila at nasisingitan sila. Kaya uunahin ko naman ang mga nasa likuran para matapos na.


Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon