IKA-DALAWAMPU'T LIMANG KABANATA

5.6K 252 14
                                    

Alana... 


Saan naman namin siya pwedeng hanapin. Alam kong wala sa Roman ang bata. Dahil base sa pagsagot ni Lucy sa akin ay ayaw niyang mamaki-alam ako sa paghahanap sa bata. 


Kinakailangan naming magsimula na sa paghahanap sa bata dahil maaaring hinahanap din ito ng mga Roman. Hindi ko man alam kung anong dahilan nila pero nasisiguro kong malaki ang kailangan nila dito gaya ng pangangailangan nila sa prinsesa.


"Ija, Ayos ka lang ba?" Napalingon ako sa pintuan ng kwartong inuukupahan ko. Nakatayo doon si Tandang Molino.


Siya ang pinuntahan namin at humingi ng tulong. Alam kong mabait ito kaya s'ya ang naisipan ko at tama ako. Hindi ito nagdalawang isip na pansamantalang patirahin kami dito kahit na hindi nito kami kilala.


"Tatang, ikaw pala."


Pumasok s'ya sa kwarto at umupo sa papag na kinauupuan ko rin. "Kanina pa kitang tinatawag hindi ka man lang nalingon. May problema ba?"


Umiling ako sa kanya. "Wala po."


Tumango s'ya sa akin. "Handa na ang hapunan. Nauna na si Arah sa hapag." Sabi n'ya sa akin.


"Susunod po ako." Tumango siya bago tapikin ang balikat ko at lumabas na. 


Maya-maya ay lumabas na ako ng kwarto at dumeretso sa kusina. Nakita ko si Arah na kumakain na kasama si Tatang Molino. Umupo na ako sa tabi ni Arah at nagsimula ng maglagay ng pagkain sa plato ko.


"S'ya nga pala saan pala kayo nagmula?" Tanong ni Tatang Molino sa amin.


"Sa Cintilla, Tang. May hindi magandang nangyari kaya naman napag pasyahan naming umalis na." Saad ni Arah.


"Kung ganon, ayos lang ba sa inyo ang tahanan ko?" Tanong muli nito. Sabay pa kaming tumango ni Arah.


"Ayos lang samin,Tatang. Dapat pa nga kaming magpasalamat dahil pinatuloy nyo kami." Sabi ko at ngumiti sa kanya. 


"Wala lang 'yun. Hanggat kayang tumulong ay dapat tumulong. Siya, kumain na tayo. Nalamig na ang pagkain."


Tumango kami sa kanya at nagsimula ng kumain. Nasabi sa amin na minsan na lang nauwi ang kasama niya dito na si Allen. Dahil Knight na nga ito sa palasyo kaya naman hindi na s'ya makaka-uwi at maka katagal dito. 


Pagkatapos naming imisin ang aming pinagkainan ay sabay kaming pumasok sa kwarto na inaakupahan namin ni Arah. Binigyan kami ni Tatang Molino ng damit na magagamit namin. Galing daw ito sa tindahang binabantayan n'ya sa palengke. 


"Kailangan na nating magsimula bukas." Sabi ko kay Arah pagkapasok pa lang sa kwarto. "Hindi natin sigurado kung matagal ng pinaghahanap ng mga Roman ang bata." 


"Saan tayo magsisimula? Ang hawak pa lang natin ay anak s'ya ni Prinsesa Samara at ang kanyang pangalan. Bukod doon ay wala na. Saan tayo magsisimula?" Tumabi ako sa kanya sa papag. 


"Dito muna sa Linawo. Dito nabangga si Adallina kaya naman may chance na dito n'ya dinala ang anak nya." Sabi ko sa kanya. Hihiga na sana ako nang may biglang pumasok sa isip ko. 


Yung Diary!


Napatigil ako at napakagat sa kuko ko. Huli kong tanda ay nasa kulungan pa ako hawak-hawak ko yun kasama ng mga litratong nakuha ko kay Riya. 


"May problema ba?" Tanong sa akin ni Arah. Bumaling ako sa kanya. Nakita ko itong nakahiga na kaya naman umipod ako papalapit sa kanya. 


"Malaki..." Sabi ko sa mahinang boses. Kumunot naman ang noo n'ya at bahagyang umayos ng higa. 


"Bakit?"


"Yung mga pictures at yung Diary hindi ako sigurado kung nadamay sa sunog 'yun o hindi. Hindi pwedeng may makakita sa mga iyon." Problemado kong saad sa kanya.


Mariing napapikit si Arah bago muling bumaling sa akin. Mukhang pati s'ya ay namomroblema na rin. Hindi maaaring may ibang makakita non lalong lalo na si Captain William o kahit sino sa pamilya nito. Kung mangyari 'yun ay dadami ang makikisawsaw at mas magiging magulo pa. 


"Pero kung may nakakita naman ng Diary o kahit alin mang sa picture ay dapat nakita na nila noong isinasaayos ang kulungan, hindi ba?" Napatango ako sa sinabi ni Arah. 


May punto siya. Ilang araw kaming nasa palasyo at wala namang nababalitaang kahit ano. 


"Matulog na tayo. May gagawin pa tayo bukas." Sabi ni Arah at pumikit na s'ya. Ako naman ay humiga na din sa tabi n'ya. 


MEDYO liwanag na nang magising kami ni Arah. Paglabas namin ni Arah sa kwarto ay wala ng tao. May nakita si Arah na sulat mula kay Tatang Molino na sinasabing maaga siyang umalis para sa tindahan. Meron ng lutong almusal sa kusina kaya naman kumain na kami ni Arah. Ako na ang nag urong ng pinagkainan namin. 


Nagsimula na kami ni Arah na maglibot dito sa Linawo. Kahit papaano ay may idea na kami kung anong itsura ng bata dahil sa litratong nakuha ni Riya. Kamukha ito ng prinsesa pero imbis na itim ang buhok ay kulay puti ito na ipinagtataka namin. 


Ang sinabi ni Arah na si Runzel ang gumahasa at may posibilidad na may nakuha ang bata mula dito. Itim ang buhok ni Runzel at itim din ang kay Adallina.  Kaya naman nakakapagtaka kung bakit puti ang buhok ng batang nasa picture. 


"Doon muna ako sa kaliwa. Ikaw dumeretso ka na dyan para mapadali tayo." Saad ni Arah. Tumango ako sa kanya bago kami maghiwalay ng daanan.

Nasa bahayan ako ngayon at dahil umaga ay pawang lahat ng residente ay nasa labas. Merong mga batang naglalaro at ang mga matatanda naman ay nagku-kwentuhan habang may tasang hawak hawak. Pinagmamasdan ko ang mga bata. Puro itim ang mga buhok nito at malayong malayo sa mukha ng prinsesa. 


Dineretso ko lang ang daanang makita ko at minsan ay nagtanong tanong din ako pero wala akong nakuha sa kanila. Wala raw silang nakikitang ganun ang kulay. 


ILANG oras na akong naglalakad at nakakaramdam na ako ng pagod. Mukhang tanghali na dahil tirik na ang araw. Sumilong muna ako sa ilalim ng puno dahil malilim dito. Nakakaramdam ako ng uhaw pero hindi pa ako nakakaramdam ng gutom. 


Napapikit ako dahil pinakikiramdaman ko ang hangin. Malamig at masarap ang simoy ng hangin kapag nasa ilalim ka ng puno. Nakakawala ng pagod ang malamig na hangin. 


"What are you doing here?" 


Napamulat ako ng mata ko at nilibot ang paningin sa paligid nang may narinig akong boses. Nang mabaling sa likuran ang paningin ko ay nakita ko ang nagsalita. Papalapit ito sa akin habang hawak hawak ang tali ng kabayo niya. As usual blangko pa din ang mukha nito. 


Nang makalapit ito sa akin ay may inabot ito sa akin. Napatingala ako sa kanya saka napatingin sa kamay niyang nakalad. Meron itong hawak na babasaging bote na may lamang tubig. 


"Huh?" Tanging saad ko lang sa kanya.


"Kanina pa kitang nakikitang naglalakad na parang may hinahanap. I don't see you drinking at all so I guess you're thirsty..." Sabi nya. "...Take it." 


Tinitigan ko ito at kalaunan ay alanganin ko pang kinuha ito at alanganin pang ngumiti sa kanya bago tumingin sa tubig.


"Ah salamat..." Nag-angat ako ng tingin sa kanya at bahagyang tumago. "...Salamat, Prince Alexus."


Nakita ko itong tumango at saka muling sumakay sa kabayo niya. Tumayo na ako at humarap sa kanya. "Ah, aalis ka na?" Tanong ko rito. Tumango ito sa akin.


"May kailangan pa akong puntahan." Saad nito sa akin at hinawakan ang tali ng kabayo niya. "Nice to see you, Haya." Huling saad nito at mabilis na tumakbo ang kabayo niya. 


Gulat na pinanuod ko siyang maglaho sa paningin ko. Kilala niya ako? Wala namang interaksyon ang nagaganap sa pagitan naming dalawa. Kaya nakakagulat na alam niya ang pangalan ko. O baka dahil naririnig lang niya? Baka nga.


____________________________________________________________________________________________________________________


Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )Where stories live. Discover now