IKA-WALONG KABANATA

9.2K 365 24
                                    

ROYALTIES 


Mga mukha ng kapatid ni Samara Faraci ang nakita ko. Nakalagay din ang mga pangalan nila. Nangunguna dito ang si Alexus. 


Alexus Adalard Faraci. According to this book, he is 30 years old. Next is Zadkiel Adaliz Faraci. He's 28. S'ya ang isa sa pumasok sa kwarto kagabi bukod kay Alexus. Sa kanilang lahat sya ang pinaka nakaka intimidate. Mula sa mata nyang parang hinuhusgahan ka hanggang sa bibig nyang huhusgahan ka na talaga. Isa rin si Alexus, kapag kaharap mo s'ya ay para kang bibitayin.


Javaid Addaley. 27 naman sya. Ang mukha nya ay mukhang seryosong babaero. Ang kulay ng mata nya na mala dagat ang kulay ay talagang aakitin ka. 


Kung hindi lang talaga sya kapatid ng katawang ito baka na-pikot ko na sya.


Leandre Adde is also 27 years old. Meaning magkakambal sila? Hindi sila Identical. Magka-iba ang kulay ng mata nila. Kung si Javaid ay baby blue si Leandre naman ay kulay amber. Parehas din makulot ang buhok nila. 


Nilipat ko sa sunod na pahina. Bumungad sa akin ang tatlo pang kapatid ni Samara.


Kenna Allison Faraci, she's the first born sa mga babae. 26 lang ito katulad ni Aramis Ademir. Sya yung lalaking kausap kanina ni Allison tungkol sa pupuntahan nila. Kambal din sila?


Sumunod ay si Aurelian Adelaide. She's 25 years old. Akala ko sya ang mas matanda kay Allison. Mas mukha siyang matured kesa kay Allison. Mas matanda lang din sya ng isang taon sa akin-sa tunay na ako kung tutuusin. 


Huli kong nakita ay ang nagmamay-ari ng katawang meron ako ngayon. She's Samara Adallina Faraci. 18 years old. Napaka-amo ng mukha n'ya. Kabaliktaran ng akin. Kung pagkukumparahin mo ang mukha namin, ang mukha ng prinsesa ay napaka amo. Hindi mo s'ya iisiping gagawa ng kalokohan o kasalanan dahil mala-anghel ang mukha niya. Ang tunay ko namang mukha ay kabaliktaran sa kanya. Mula sa kilay at mata ay iisipin mong mataray. 


"Samara Adallina. A guardian and a noble teenage girl." Tumingin ako sa repleksyon ko sa salamin. 


Samara means guardian. Talaga ba? Hindi bagay sa kanya ang pangalang Samara. She's not a guardian. She needs that one. Kailangan nya ang taong poprotekta sa kanya at babantayan sya. Ito ang taong dapat na inaalagaan pero kabaliktaran ang nangyari. Namatay sya ng walang nakakaalam. Namatay sya ng hindi man lang alam ng pamilya nya. Hindi ko alam kung nakaramdam ba sya ng pagmamahal baho mamatay. 


Biglaan ang nangyari sa kanya. Nasagasaan at hindi niya iyon inaasahan. Ako ay alam ko na ang hantungan ko. Sa kamatayan pa din. Dahil nga merong nakapataw na kamatayan sa akin ay naging handa ako. Ang hindi ko lang inaasahan ay ang maputa dito. 


Binuklat kong muli ang page ng libro. Marami akong nakitang mga larawan dito. Tinandaan ko ang mga itusra at pangalan nila. Baka makasalubong o makahalubilo ko sila ng hindi inaasahan. 


Habang binabasa ko at sinasa-utak ang mga mukha nila hindi mawala sa akin ang mga ilang eksena sa hapag kanina. Parang hindi sila sobrang close na magkakapatid. Kahit ang magulang nila. Mag-uusap lang sila tungkol sa mga trabaho at katungkulan nila then boom wala na.


Hindi ko maiwasang malungkot para kay Samara Adallina. Hindi man lang niya nararamdamang may pamilya bago mamatay. 


Ang sunod na pahina ay ang nasasakupan ng Clasoryas. Meron silang limang lugar. Una ang Ayla. Ito ang pinag-uusapan kanina ng kapatid at ama ni Samara Faraci. Ayla is the most famous when it comes in painting. Nakasaad din dito na libo libong ginto ang kinikita nila kada araw dahil sa mga pintor.  Dito din nagmula ang dalawa sa mga royalties. Sina Asena at Antheia Fallon. Magaling din silang magpinta ayon dito. Anak sila ng pinuno ng Ayla kaya naman tinuturing silang royalties. 



Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )Where stories live. Discover now